Friday, December 03, 2004
how could you say you love me?
hayy. wala na namang pasok. at eto, mantakin mo. NATIONWIDE. parang supertyphoon na kasinlaki ng philippine archipelago. parang national holiday sa pinas. parang kasinghebi ng us elections. woooo. PRANING talaga.
mamamantak nyo bang napakabait at napakatino kong nilalang ngayon? OO, mga kaibigan, tumino na si karmela mariz francia ngayon. for one thing, burtdeiii ni papa kevin alexander clark. WAAAH! 16yrs old na sya. ako magkakatorse pa lang. hayy. di bale, age doesn't matter. nyahahayy! =)
isa pa, nagpapakaGC na ako ngayon. wahaha. sa puntong to, nagtatype ako ng project sa geom. ano ba yan? GC pa ba yan o ano? wahaha.. sabi ko senyo PRANING ako ngayon e. hay. ang tanging kasama ko lang ngayon e sila pareng moise and downs, nakikipag-usap tungkol sa postulates at theorems nila sa geom book namin. wahahayy.
masarap pa lang talagang magpanic buying. oo, pramis. para kang nagccram para sa isang schoolwork. yun tipong lahat na e nagugulantang dahil nagmamadali silang baka mahagip ni supertyphoon yoyong with a speed of 185 kph. ahaha. yan ang nagagawa sayo ng masyadong pagbababad sa radyo, habang pinakikinggan ang tunong ng nagliliparang yero, takatak ng tubig-ulan at pageexag ng reporters kesyo kasintaas na daw ng bahay yung baha. nako, ASA. tamo 100% praning na ako.
balik tayo sa panic buying. kahapo e nagpanic buy ako sa SM. di pagkain yung pinunta ko dun, kundi para bumili ng gift ko para kay Merchant of Venice. wahaha. masyado ko na syang minamahal, na kahit bagyo e sinasagupa ko para lang makabili ng regalong tagsisingkwenta pesos. nyayy. PRANING.
pero totoo, nagpanic buy kami. sa price smart. bumili kami ng rotisserie chicken, veggies tas kung anu-ano pang kaeklayan. nasayangan ako dun sa chocolate chip muffins na dapat e papakyawin namin. hayy. akalain nyong sa gabundok na binili namin, nakalimutan naming humakot ng kandila? wahahayy. iba ang ang nagpapanic. heniweiii, habang nagbabayad ang ama ko, kumain muna ako ng pizza dun sa smart bar. homayy. tunay na matatakaw ang amerikano oo. kasi, single serving nila parang XXXXL na ng greenwich o kahit anong local na pizza parlor. homayy. onga pala, nakakita ako ng isang artista dun. si maureen larrazabal. mukhang mabait, pero nung naggrogrocery sila, mukha syang gusgusin. oi peace ah. kasi, ni buhok na di nya maayos. pero disente naman sya tingnan. may sabit nga lang. wahaha.
hayy. MTAP na bukas! may "pasok" na ulit! tsk tsk. kung kelan naenjoy ko yung suspended classes e. hayy. malas di MTAP si moon. tsk. miss ko na sya. pramis. [oo, desa labs, miss na kita.] yayy! mejo nilalagnat ako ngayon, pero wala lang yan! keri parin bukas. basta si MOON naiisip ko. ahaha. senti. yah, sige na, PRANING na ako. =) minsan lang to.