Wednesday, February 23, 2005
drama drama drama.
hayy. sa tanang pag-oonline ko, ngayon ko lang nabasa yung kadramahan ni yappy sa BaClub. at na-feel ko na kelangan ko din magsenti. :D"may BaClub pa ba?" waw. eto ang mahiwagang tanong. yung *fyn* banat ni kan. :D sakin, okei lang na babanat sa ng ganun. pwede naman nating isagot yung, "BaClub? pangalan lang yan e. ang mahalaga magkakaibigan pa rin tayo." hanyan. quoted galing kei francis. totoo naman ah! hindi naman sa wasak tayo and all, pero siguro, kelangan lang nating mapag-isa. o sige, di nyo gets. kumbaga sa magssyota, ang BaClub e nag-cool off. (so dana, alam mo na ang meaning ng cool off?) ganun. tsaka naman, andun pa din naman yung essence ng BaClub e. pano ko nasabi? ganito yan.
pag may tsismis tayo tuwing umaga, nakikihalo din sila. ano yan? GAWING BACLUB. pag may inaaway tayo, nakikiusyoso sila. pag may umiiyak satin, naccurious sila. pag may topak tayo, pinagtatawanan nila tayo. pag maingay sila pag may class meetings, pinapatihimik natin sila. pag may pinagtatawanan tayo, tumatawa din sila. eto lang ang kaibahan, kaya natin naffeel na wala ng BaClub.
una. di na tayo kumakain sa iisang table. oi pero nung local math, no choice si kan tsaka si francis! TUMABI SILA SATIN! yebahness. pangalawa. di na tayo naglalaro ng touch ball. pero once, di sila makatiis nung break, inaya nila tayo magtouch ball, kaso nga lang nagpakipot tayo tsaka umayaw! :D pangatlo, di na sila nagpapakopya ng assignments. haha. SANAY NA TAYO DYAN. :D
tsaka yung sa pango-OP na sinasabi ni yappy. eto. sa totoo lang, nasabi na namin lahat ng tunkol sa hiwalayang BeeGees ~ LSAT. seryoso. napuno si kan sakin. nagsorry ako, tinanggap nya. pero ayaw muna nilang makihalo sa mga babaeng kabarkada. ganun kasimple.
eto pa. yung sinasabi ni yappy na, "itanong mo kay ganyan, kay ganito..." pag may sikreto. alam kong naaasar kayo sakin pag gumaganyan ako. eto ha, feel ko kasi wala ako sa proper disposition na sabihin ung sikretong yun. kunyari, sikreto ni dana. sinabi nya sakin. tas pag nakita nyong may sinasabi sakin si dana, bigla kayong magsasabing, "ui, ano yan? share!" tapos saka ko ibabanat yung mahiwagang tanong mo kay dana. ewan ko lang kung tama, pero yung ang tingin kong tama. hindi ko naman sikreto yun, tsaka pinagkatiwalaan ako ni dana. bakit naman ako ang magsasabi sa inyo? hindi naman ako si dana. di ba? yun lang.
tsaka alalahanin nyo, hindi lahat ng mga sikretong gusto nyong malaman at ipinagkakait ko sa inyo e tunkol sa hiwalayan ng BaClub. aminin naman natin, sa BeeGees, may kanya-kanyang sikreto din naman e. may sikreto ako kasama si Dana. may sikreto akong kasama si ace. si ace may sikretong kasama si yappy. si yappy may sikretong kasama si larz, pero hindi nya sinasabi kay ace. ganun naman talaga e! kahit ang kaibigan mo ang pinagtataguan mo ng sikreto, darating at darating ang panahong meron syang itatago sayo. bawat tao e entitled sa kanyang sariling privacy, at sana maintindihan natin yun. :D
tsaka eto: special message ka *toot* at *toot* (kilala nyo na kugn sino kayo. :D)... alam kong joke lang yung sinasabi nyong, "wala na.. naoOP na tayo,di tayo BeeGees." pero minsan, talagang nakakairita pag ganun. kasi naman, alam no namang masyadong maselan yung secret, tas saka kayo mag-iinarte kung bakit di kayo sinasabihan. naku naman, hindi na ba kayo BeeGee pag di nyo alam yung isang sikreto? at saka, tama na ang isang nag-iinarte sa barkada. nahiwalay na nga ang BeeGees & LSAT, tapos saka pa mabubuwag yun BeeGees. wag naman. :D sayang ung halos isang taong magkalabing-labing tayo, tapos mabubuwag lang tayo ng isang sikreto.
hindi ko ginawa tong entry na to para iparating na galit ako sa BeeGees. wag nyo ko i-misinterpret, gusto ko lang sabihin yung comment ko tunkol sa barkada natin. pinapaliwanang ko lang yung side ko para wala na tayong masyadong problema. I LOVE YOU BEEGEES. :D peace out.