Wednesday, April 20, 2005
I can breathe for the first time...
emotions: sleepy. xpplayer: Since U Been Gone ~ Kelly Clarkson
doodles: testi ni ate kat. xp
The Rules: *haha galing kay dana!*
Unknown #1: nyak. eto yung taong iniisip ko ngayon. haha, onga pala. lalake to ah. di ko alam kung kilala ako neto o hinde. heck, it doesn't matter. basta kakilala ko sya. una ko tong nakita nung first year, nung sportsfest. syet. walang kwenta syang leader, tsaka nonfunctional syang officer. haha. gwapo yan, at siguro yung mukha lang nya pinagkakakitaan nya. xp yang sinumpang pagmumukha rin nya siguro ang dahilan kung bakit unknown #1 sya dito sa listahan ko. xp adik yan sa computer games, atsaka sya lang yung lalakeng may maladiyos na mukhang tumatangkilik ng chinovela. everrr. xp
Unknown #2: eto? di ko alam kung anong gender neto. eto yung secret crush ko. haha. tahimik pero malademonyo ang utak, gwapong mapagtitiisan, matalino din naman. may pagka-antipatiko din pala to. isa syang napakalaking manyak. haha. minsan naguguluhan ako kung pano ako nagkagusto ng palihim dito. basta. napaka-unpredictable. xp
Unknown #3: eto ang kakonchaba ko sa galaan. minsan halos magmukha kaming kambal, kasi parehong-pareho ng get-up. xp mahilig kami sa mga bagay na maluluho, atsaka para samin, ang pramis ay pramis lang talaga. ay oo nga pala, malakas tong magtaray tsaka minsan may matindihang mood swings. xp pero lab na lab ko pa rin to. at syempre, sabay kami sa ka-GC-han, pati mahilig kaming mangarir. xp
Unknown #4: eto ang may pinakamadaming sharing. xp mula sa mga maliliit na intriga hanggang sa mga malalaking pasabog, sinasabi nya lahat sakin. matalino din to, maganda na, sexy na, mabait pa. atsaka malakas din magsenti kung paminsan-minsan. kaconchaba ko to sa mga grades na pwede remedyohan tsaka sa inis pagdating sa kaibigan. marami din tong friendships, tsaka malakas manlalake. minsan na rin pala tong naloko: minahal pero pinagsawaan. sinibak daw kasi e. xp
Unkown #5: si miss antukin. eto ang pinakamalakas magpauso at magsimula ng trend. pilit na ginagaya. pareho pala kaming FILLING maganda. napakakulay ng lovelife neto, tsaka sunud-sunod ang supply ni Lord sa kanya ng mga lalaki. haha. mas malakas tong magsenti kesa kay #4, tsaka sobrang naaappreciate ko ang lahat ng advices nya sakin. GC to, hindi nga lang halata. sya ang babaeng walang pahinga: karirado mula pagkanta, pagsayaw, pag-arte, panlalalaki, paggi-GC at kahit simpleng pagnenet. xp
Unknown #6: eto ang lalaking pinakamalakas magsenti. xp may looks, may brains pero minsan may pagkasensitive. xp hindi yan lantaran magdrama, dinaraan nya sa text. xp minsan understandable yung pagdadrama nya, pero minsan dumarating na sa point na wala sa lugar tsaka nakakairita na sya. xp napakacorny din nito, tsaka kulang sa timing pag bumanat, di mo alam na nagjojoke na pala sya. sabi nya stick-to-one daw sya, pero ngayon hinahanapan na sya ng bagong gurlash. xp
Unknown #7: eto. acquaintance ko lang sya, pero ewan ko kung bakit napakahalaga nya sakin. banal pala to, tsaka tulad ni #1, adik sa computer games. *napaghahalataan na ata ako.* meron na daw syang nililigawan ngayon. *sana basted! haha.* matindi magfeeling to e, tsaka ine-FC ko to masyado. dati naging sobrang obsessed ako dito e, tapos iniintriga na ako ng mga kaibigan ko sa kanya. xp papaano ako na-obsess? sya yung naging dahilan ko dati kung bakit ako palaging nagsisimba tuwing linggo. xp
Unknown #8: eto ang nanay ko. xp actually, para ko na rin syang naging nanay, kasi idol ko sya pagdating sa pagbibigay ng advices. napaka-mature nito mag-isip, tsaka she always has a reason for everything. xp hindi sya takot na maiba sa ibang tao, tsaka lagi syang handa para sa mga kaibigan nya. xp innate na din ang katalinuhan nya, pero di na nya yung kailangang i-flaunt. relihiyosa din to, tsaka faithful sya sa minamahal nya ngayon. xp lapitin to ng lalake, kasi sya yung tipong girl bud para sa mga guys. ay oo nga pala, kamukha sya ni #5, atsaka pareho silang malakas manlalaki.
Unknown #9: eto ang strangest friend na nakilala ko, but i accept her for her uniqueness. hindi sya yung tipong girl next door na showy masyado. mahilig sya sa kakaiba. xp kakonchaba ko din pala to sa maniax. hindi sya masyadong straightforward sa page-express ng feelings nya. she has a deep passion for music, especially asian, kaya nakakarelate ako sa kanya. xp madali mong mabisto ang kanyang lovelife once nabuksan mo na ang inbox nya. xp adik din to sa net, tsaka meron syang napakalaking phobia. xp
Unknown #10: eto ang kaklase kong may pinakamalayong bahay. xp napakagenerous neto, atsaka sobrang committed to sa kaibigan. xp tulad ko, obsessed kami sa music. pareho din kaming nagbburn. malakas to tumawa, tsaka palagi syang binabara ng iba nyang kabarkada. xp adik to sa lit, lalo na sa buffy. xp mababaw ang kaligayahan neto. kapag may away sa barkada o kaya pag may kaaway kami, sya ang laging naiipit, pero most of the time mas kumakampi sya samin. xp
Unknown #11: di ko rin alam gender neto. haha. xp napakabait neto, tsaka napakayaman. pero minsan e nasosobrahan yung kabaitan nya, to the extent na inaalipin na sya ng ibang tao. malakas din tong mangarir, trusted friend din to, mapagkakatiwalaan ng mga sikreto, tsaka eto rin yung taong masikreto. malakas tong kumain, pero di sya tumataba *waaah*. ewan ko kung ano na ang update sa lovelife neto. may nireject na ba to o may syota na? xp
Unknown #12: eto ang aking best-est friend. xp matagal ko na tinitiis tong nilalang na to e. feeling close yan. xp minsan bigla syang babanat ng di mo alam e joke na pala yun, pero most of the time epal sya. xp inaasam din nya siguro maging popular, pero sa mga ginagawa nya, mas lalong nasisira sya sa tao. ewan ko ba kung anong nangyari dito, biglang bobo daw yata e. xp lagi nyang sinusumbat sakin yung tagal ng friendship namin. xp ay oo nga pala. madali syang sumablay sa spelling. xp
Unknown #13: eto ang isang taong pilit kong tinatago sa aking nakaraan. xp siguro applicable sa kanya yung unang tibok, kay sarap balikan na idea. xp haha. tinuruan nya ko kung pano lumaban sa mga taong di naniniwala sakin. sa kanya din ako natutong magsinungaling. mayabang to, tsaka napakatalino. lagi pa nga syang may nakakaaway dahil sa kahanginan e. xp adik to sa toys for the big boys. xp ewan ko ha, kung dati in denial pa ako, pero ngayon feel na feel ko na sya. xp ay, manyak din pala to.
Unknown #14: eto ang pinakamalakas manlibre sakin. kahit walang karason-rason, manlilibre lang yan agad. xp matalino din to, medyo boyish, tsaka makulay na din ang lovelife. xp may initiative tong taong to, pero karamihan e di nakakaappreciate sa efforts nya. yung personality nya e yung tipong nagco-command na agad ng respect. siguro ganun na rin ang upbringing sa kanya na she gets to have things on her own way. onga pala, pinoproblema nya ang mga di dapat problemahin. mangilan-ngilan din yung may galit sa kanya. xp
Unknown #15: eto na siguro yung pinakakailangan kong tao sa buhay ko. naiintindihan nya ako kapag nagkakamood swings ako, she does best to inflict fashion upon me, she gives me advices on all things na alam nya, tsaka she strives to meet everybody’s expectations. xp introvert to, pero napaka-independent. adik din to sa fitness facts & health tips, tsaka wild ambition nya ang maging bihasang dermatologist. minsan, di ko natatanggap ang uberweirdness nya, pero lab ko pa rin sya dahil palagi syang andyan para samahan ako sa SM. xp