Sunday, November 06, 2011
now that you're gone
Lately, lagi na lang akong napapaisip. Not the normal thinking (or kung anumang pagccontemplate na ginagawa ko sa natural na dimensyon) I've been doing, yung tipong intense na malalim ang pinaghuhugutan at long-term ang kababagsakan. At puro 'What Ifs'. Siguro it's because of the people I've been talking to for the entire week, at ang epekto ng Fushigi Yuugi sakin. #AddictMode
What if hindi ako na-delay sa mga subjects ko?
What if I had set my priorities differently?
What if pumasok ako sa meeting na yun?
What if hindi ko siya pinayagang pumasok sa buhay ko?
What if di ko tinakasan yung gym sessions ko?
What if pinagpatuloy ko yung relasyon namin?
What if pinilit kong tumakbo sa posisyong iyon?
What if kinakausap ko pa rin siya hanggang sa ngayon?
What if hindi ako nanuod ng Fushigi Yuugi?
What if pumili ako ng ibang partner?
What if naging priestess ako sa Universe of the Four Gods?
What if nagshift na lang ako habang maaga pa?
What if patuloy akong umasa sa kanya?
What if mamatay ako kinabukasan?
What if nagising ako bukas nang walang naaalala sa buhay ko?
What if nagkakilala kami - matutunan ba nya kong mahalin?
Karamihan sa mga tanong ko, alam ko ang sagot. May iilang hindi ko tuluyang mawari, at ayoko na rin hanapan pa ng sagot.
Nalulungkot lang ako because in trying to make other people happy with a major decision in my life, parang mas marami pa kong napalungkot. Hindi sa may feelings pa rin ako - nalulungkot akong I feel I'm the one to blame dahil sa abalang kinakaharap nila ngayon. And I don't know what to do about it.
If I take things back the way they were, ako lang lalo ang masasaktan. At eventually, sisirain ko rin ang buhay nya. Kasi habang tumatagal, lalo kong naiisip na ayoko na. I've told him to prove my decision wrong - na ipakita saking mali akong hiniwalayan ko siya. But his actions only support what I did. Mas lalo akong nawawalan ng rason para ibalik ang kung anong mayroon samin. I'll only make a fool out of myself if I'd continue something that is supposed to end long ago. Alam nya iyon, with the countless arguments we'd have na ako lang palagi ang nagsisimula. Ang tingin nya kasi, sambahin mo lang yung tao, OK na. With strong words come empty actions.
I don't need to be adored, I need to be loved.
If I continue to be indifferent, it'll be a burden to everyone around me, na sobrang naiirita na sa konsumisyon. I just feel na kahit gaano ka-positive yung advice na ibigay nila, he still won't be swayed by what he feels. So ang pointless ng pagbibigay ng advice. E ang clingy nya. I know it's not my problem, I just feel strongly for them. Ako nga na isang taon at apat na buwang umintindi, hindi ko nabago ang paninindigan nya. Ibang tao pa kaya, in just a matter of months.
Sorry if I had to let these all out. Ayokong magkaroon na naman ng ganitong burden, lalo na when the new semester starts. I ended this in order to avoid further distractions, but it seems to still haunt me up to this very moment.
Siguro nga, kailangan kong pagsisihan yun. Wrong move.
Labels: blah, if, random, what
Melai walked on the sunny side.
7:31:00 PM