Tuesday, December 21, 2004
sandali na lang, maaari bang pagbigyan?
yeah. para sakin schoolday pa rin ngayon. bakit? simple lang. kasi pumasok ako. O DI BA? ganyan ang sabik sa eskwelahan. hindeee. kasi nagpasa ako nun project sa MAPEH. ayuuun. kahindik-hindiiiik. san ka pa? GC ba yaaan? heniwei. nang dumating aq sa skul, nakasalubong ko si totoy bibat, na nagkataong magpapasa din ng project sa MAPEH. nung sumibat kami sa room, nakita naming nagkakandarapa si larz na buksan yung room. OH YESSS. the room is anti-open. tsk tsk. andun pa naman yung project ni larz sa loob. hayy. buti na lang pare, malapit sya sa windows. o di sinungkit nung daddy ni larz. tas nagpasa kami. ayun. NAKARAOS DIN! =) oyesss.
onga pala, mei usapan kami ni meme nun na sabay kaming magpapasa. e dahil masyado syang nangarir, nalate sya kaya hinintay ko pa sya sa McDo at sinamahang magpasa. tas diretso SM kami para ubusin yung tokens namin sa Quantum & Worlds of Fun. ano pa nga bang gagawin namin? DANCE MANIAXXXX! =) habang palakad papuntang SM, namanagha kami't nagkasalisihan kami kasama si ace. oi impernes ibang ace yung nakita namin. sya yung MAHINHING VERSION ni ace gapuz. pramiiis. =) nakaiskert, pangsimbahan yung top, yung tipong anytime e sisibat na sa heaven. OH YESSS. nagpasama pa syang bumili ng quickly tas hinatid pa namin sya sa sakayan ng FX.
o di yan nga. MANIAX naaa. wala nakogn masyadong makkwento dun, pero after e naglibot-libot pa kami. pinasukan namin yun mga shop na di pa namin napapasukan ever. parang yun forme, marks & spencer.. basta yun mga shops na magagara na alam naming kahit ilang allowance ang tipirin namin e masususyod pati hibla ng wallet namin sa kamahalan ng mga binebenta doon. =) tas ng napagod na kami, pumunta kami sa all-time peburit naming tambayan, STARBUCKS. =) teka, bumili pa pala kami ng kendi sa candy mix. NAGBALIK NA RIN ANG AKING PINAKAMAMAHAL KO NA STRAWBERRY DREAM! woohoo! mapapalagi na aq sa candy mix.
ayun, balik tayo sa kwentong starbucks. as usual, nag-order ako ng vanilla cream. pero this time grande na sya. asensado. ayun. nagtsikahan kami to the max ni meme... tapos ginawan din namin ng kanta yugn mga tao sa starbucks na kahit wala ng ginagawa e pasaway... ayaw pang umalis, hindi iniisip yung mga iba pang uupo... tsk tsk. buti ngaaa. tinunaw din namin yung studio pics namin kahapon... at napagpasyahan naming kras namin si francis dun sa funny pic! ay, pati pala si kristian! =) nang wala na kaming mapag-usapan, nagpasya akong umuwi na. =)
oo nga pala. bago na naman yung redirection netong blog ko. http://www.moondreamer.tk/ ayun. sharing lang, in case gusto nyong malaman. =)
hayy. burtdeiii ko na bukas. BERTDEIII NA NAMIN NI JENNIE! ehehe... hapi burtdeii kaburtdeii! =) hapi burtdeii na rin sakin! ahaha.