http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Wednesday, April 27, 2005
`coz you're not here, lying next to me...

listening to: Get Me ~ MYMP
feeling: my eyes are gettin' heavier. xp
thinking of: choir. CHOIR. ChOiR. cHoIr. kuwayr. tso-wayr. CHOIRRRR!

haha. na-feel ang charismatic choir. alam nyo ba pinagkakaabalahan ko ngayong tag-init? ANG PAGIGING MIYEMBRO NG CHARISMATIC CHOIR SA AMING PAROKYA. yikee. at impernes ipinagkalandakan ko ang malatansan kong boses. xp waw. yan ang tunay na confidence. mali. purisgidong fighting spirit. haha. xp haha di pa naman ako permanent dun, pero sana *wishy wishy* maging fully-fledged choir member na ako. at least di ba. makikita ko si *SIKRETOOOO. itago natin sya sa pangalang tenor. haha.* hayy. iba na ang may ispat. xp

alam nyo ba? haha pag tiningnan nyo ko ngayon, matatakot kayo. wala lang, sabi ko lang. hindee. sanay kasi ako na sa kainitan ng summer e nakalugay ako. oh tapang db?! ayun. kaso di naman ako yung tipong manunuklay everywhere. kaya ayun. pulos sabit. at nang isang gabing natatabunan ang aking mukha ng malawalis tambo kong buhok, waw. natakot ako sa aking nakitang imahe sa salamin. KAMUKHA KO SI SADAKOOOOOOOO! haha. yun. hindi naman sa mukhang-mukha. mali pala pagkasabi ko no. kabuhok ko si sadako. oh db may future ako sa horror movies. xp pero pramis, pati ako natakot sa sarili kong itsura. rarrr. kulang na lang e magdasal ako ng paluhod at sabihin sa sarili kong, "ikaw lang yan! ang pangit-pangit mo kasiiii!" hayy. di ko talaga sya mapaniwalaan. may future akong maging babaeng kinulong sa balon. xp

senti-ness. part ii. hehe. TristanCafe uliiiit! pansin nyo naaaliw na ako sa love articles? haha. ((wushu, wala ka lang ma-post e. xp))

Isa siyang napakalaking oxymoron.
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo, di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal.
Di mo naiintindihan, pero naiintindihan mo.
Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.

Masakit magmahal. Pero okey lang.
Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati,
"Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi cum laude ang standing niya,
pero dumating ang panahon at na-in love din ang hunghang.
At ayun, tanga na siya ngayon.

Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din.
O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Theresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.

Nakakatawa talaga.
Lalo na kapag dumating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "AYOKO NA MA-IN LOVE!" biglang WACHA!
Ayan na siya. Nang-aasar. Mag-papaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo?
pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan, parang nawawalan ng saysay
lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?

Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo.
Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Ngayon ko lang nalaman na ganito pala. Sabi ko na, eh!"
"Ang sarap mabuhay! Pwede na akong mamatay, now na!"

Hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.

Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre, hindi sila yung may kasalanan...SIYA!
"Bakit niya ako sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader 'yon, at pagbagsak ng pinto.
Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang daming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko. Pero wala pa rin akong alam.Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa, no?

Nakakaiyak!! xp



Melai walked on the sunny side.
11:38:00 PM