Tuesday, December 28, 2004
it's called KARMA baby, and it goes around...
so. naisipan ko ring magblog. ohohho. ü heniweiii. magpapakabait nako sa entry kong to [yan, maniwala nman kayo. XD]...
wag kang magpa-upsize ng drinks.
tama. una, kasi sayang sa pera. pangalawa, pag mei pupuntahan kayong malayo, baka maihi ka lang sa daan. ü pangatlo, mas lalo ka lang mauuhaw. tsk. nung bente seis kasi nagdinner kami ng pamilya ko sa McDo. [West Ave. branch, yung malapit sa Philam] [[oyesss. detalyado sya.]] tas ayun, umorder aku ng mcnuggets meal tsaka twister fries. yung sopdrink ko pala upsized. e after nun, pupunta kami ng starcity. o di masinsinang paglalakbay yun. syeyym. on the way nakadama ako ng urinating sensation. OYESSS. e wala pa nmang malapit na CR dun. nakapaghintay pa aq ng 10 yrs bago naalis yung pagkatuliro ko. hmmph.
wag kang singitera. kung di maiiwasan, wag mo na lang pahalata.
ayan. o di db nagstarcity kami? unang pinilahan namin e yung balloon wheel. teka, una & huling pinilahan. syeyym. alas otso kami pumila dun, tas nakasakay kami ng alas dyes. oh yessss. pramis. bakit? DAHIL SA MGA SINGITERA. putek. bale sa harap namin, mga labindalawa lang naman yung sumingit. OO. TWELVE LANG. linsiyak. kundi lang talaga mas bata sakin, di ko na pinatawad e. yung dalawa dun actually, pinagbigyan narin ng ate ko. ANG SARAP NILANG KALBUHIIIIN. dalawang oras kaming nakapila dun, tapos biglang eekstra sila sa harap namin! ay syeyym. nakakairita pramis. katwiran pa nila, NAKAPILA SILA DUN SA MAY ENTRANCE. syeyym, sobrang lame ng excuse nila. dakilang boplax! o di kung nakapila na sila dun sa entrance malamang nakasakay na sila! haler. may designated tlga na pila, at ilang beses ka pa iikot dahil sa dami ng magbaballoon wheel. linsiyak. impernes nahasa yung parinig skills ko nun ah. everrr. banat ko pa nun, "excuse me, nakapila kayo? i don't think i recognize you mula sa dulo." putek. total shame sila duuun. hoyesss. nakakaasar di nyung mga pagmumukha nila! para silang mga mohawk na tinadtad ng tigidig [pimples] sa bibig! grrrr. [teka, calm down, parang wala kang natutunan sa youth camp.] [[ahahayy, holy.]]
wag kang oorder ng mga pagkaing mahirap lutuin sa isang fastfood chain.
oo nga naman. KAYA NGA FASTFOOD E. kasi pag mahirap lutuin, manlulumo ang reputasyon nila bilang fastfood. magiging SLOWfood na. oh yesss. corny. teka, in the first place... FASTFOOD BA ANG CHOWKING? yooon. ewan ko. pero mukha silang fastfood. anyways, ipagpalagay na lang nating fastfood sila. o di ayun. nag-order naman aku ng 1pc chicken dun. ay syeyym. after 30 minutes ata yung hinintay ko. kemalas-malas naman ng araw ko oh. hayy. o di pinabalot ko na lang sya. itetake out ko na lang. linyakacious, limang minuto pa binalot yung pagkain! GARRR. nakakapang-init ulo. =) hayy.
tsk tsk. sa susunod talaga di na ko pupunta sa mga lugar na ma mga lampang crew. =) [oh yesss. it's lampa, tol. ansama kong magsalita.]