http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Saturday, August 27, 2005
napapalingon tuwing ika'y dumadaan...


BELATED HAPPY BIRTHDAY CHLOE DEAR! :)

sana... dalawa ang puso kooo. :) bading!

open forum - avo3. waaah. nakakatouch talaga yung mga sinabi ng avomates kooo! wahahah. natameme ako ever sa mga pagsesenti nila. basta, love na talaga namin ang isa't isa! :) sa hirap man o sa ginhawa, avo tres pa rin ay nagkakaisa! :)

at eto nga pala. mga pahabol. :) jolly, renan, dei, cheoc, annerz, ger, roanne, and everybody. sorry and aylabyu. :) AVO TRES MALUFEY! :)

mitsu pichur. hanyan. pagkatapos ng matindihang dramahan, etsepwera na ang mga namumugtong mga mata't diretso na sa sm para magpapichur! dapat nga buong avo tres kasama e, kaso nga lang yung iba hindi pinayagan. kaya ang pumunta e bente-siete lang. :) atleast kasama naman namin si sir papi. :) impyernes, naka 832 php kami don sa mitsubishi. pero sulit naman, kase lahat kami me kopya! :) asteegers!

uy mga classmates. na kay kuya ian nga pala yung copies nyo. ANG KYUT NATIN EVER! :)

...at ang date kay sir ian. pagkatapos ng pichur, syempre halos lahat ng avo tres, diretso uwi na. :) ibahin nyo kami ni meme, ace & sir ian. :) nagdinner pa kami sa pao tsin. (ah, ang mga kahirapan.) at dinayo pa talaga namin yung super sale para makaupo kami ever. kesa naman yung sa grocery. oh db?! gulat talaga kami e, sumama pa talaga si sir ian. ang kulet nya grabe! madaming sharing! :) syempre na-enjoy naman namin yung dumpling rice na tsinibog namin. :)

"ayan. makakakain na ako. at pag-uwi ko sa bahay, kakain ulit ako." ~sir ian

haha. bading! :) ay onga pala. sa loob ng grocery kami mismo bumili ng drinks. ke meme & ace, gatorade. ke papi, pepsi in can. sakin, energy cola. dahil feel ko e kayamanan ako non, nilibre ko na sila. :) besides, mataas naman ako sa physics e. haha! :) PANO NANGYARI YOOOON? :) bading.

ang pang-aalipusta kay moon. waaah. nahuhurt ako! :( kasi naman e, pinagtulungan nila (LSAT + sir ian) si moon. sabi ko kasi ke sir, "sir, ayusin nyo yung kay *moon* ah." tas pinakita samin ni sir yung class record. nung nakita nilang mabababa yung scores ni moon, bigla nilang inalipusta. sabi pa nga ni sir ian, "ano ba yan! ang bababa naman ng scores neto, bakit pa kaya merong iba dyang nagkakagusto dito?" WAAAH. syempre naman. :)

ang mga ian sa buhay ni melai. ayan. sharing lang to, kase dumarami na yung mga ian na kakilala ko e. :) una, merong ian cousin. yan si kristian. :) kasi sa bear family tree namin, cousin bear ko sya. pangalawa, si ian papi. malamang yan si sir ian, ang aming everdearest cool-to-the-nth-power adviser, physics and astro teacher. :) at ang last, si ian lab. ah, alam nyo na yan! :)

lumalandiiiii. :)

SATURDAY

journ training. hehe. monday na yung contest kaya pinapasok kami ngayon ni sir sd. :) dumating ako sa skul ng 9am. andaming tao! bading. :) meron kasing affair don yung dzmm, dahil national heroes day. oo nga pala. may pasok sa monday. sabi ni sir sd. (kaya pag walang pasok, sya sisihin nyo.) nyaah, boo talaga. anyways. :)

letter of hurts. at dahil wala pa si sir sd, pumunta kami (angle, roanne, dei tsaka ako.) sa mcdo. :) nang nagbukas yung sm, pumunta kaming expressions, para makabili ng stationery para sa letter of hurts namin sa bawat isa sa avo3. (may paletter-letter pa talaga si sir ian. haha!) oh anyways. :) ayun. tas sinimulan ko na rin yung pagsusulat sa mcdo. :) wala akong nagawa sa journ. :) bading. pramis tatapusin ko sya bukas. :)

si sir mark. wahahah. ang gwapo talaga ni sir marrrk! :) nakakaines. :) kung makaporma, parang high school lang e! bagay sa kanya! ayoko naaaa! ang gagwapo talaga ng mga teachers namin! :) (syempre may exceptions dyan. haha!)


basta. there's not much to tell ngayon eh. :) magpapalit na ako ng layout neto pramis. :)




Melai walked on the sunny side.
8:02:00 PM