Wednesday, December 29, 2004
o kay tagal din kitang mamahalin...
STRIKE 1: kasi asa escalator kami.
ako: oh yesss. naaalala ko sila raymarrrrk.
angel: sino yun? bakit?
ako: ah, bsta, klasmeyt ku. marunong kasi sila magpatigil ng escalator e.
lei: oh? pano?
angel: ah, para bang ganito? *sabay sipa dun sa isang switch sa may gilid*
*TIRIK**TIRIK**TIRIK**TIRIIIIK*
angel: yesss! nagawa ko! =)
ayan. WINDANG. eto pa.
STRIKE 2: asa blue magic kami. andun kami sa scents nila. e etong si rose, di tumitingin sa mga perfume bottles. biglang natabig yung bote ng heaven and earth. dali-daling lumapit yung ibang mga crew na lalaki ng blue magic.
crew i: o, may nabasag ba?
crew ii: wala naman. ay, eto o, may basag. *sabay turo sa dati pang basag na case.*
*TAWA**TAWA**TAWA*
angel: ay, grabe, nakakatawa. GUSTO NYO ITUMBA KO PA TONG IBANG PERFUME?
yan ang pasaway. =)
STRIKE 3: eh dumadaan kami sa men's section ng department store. di ba merong mga ad stands na asa gitna ng daanan? oh yesss. niyugyog ni lei yun lahat. WINDANNNG.
STRIKE 4: bumibili kami sa ice monster.
ako: miss, isa pong banana ice, please.
crew i [lalake]: ano ho yun?
ako: eto o. *sabay kuha dun sa cardboard na parang menu ng ice monster, sa may gilid ng cashier* banana ice.
yesss. we are pasaway poreberrr.
Siguro... ayan. listahan ko ng mga siguro kung wala akong BaClub na namimiss ngayon. =) [oi senti itooo.]
Siguro pag walang BaClub...
- walang BaClub friendster account. =)
- wala akong sasabihang DanaSEXY o kaya AceSEXY.
- hindi ako magbabalak na magtipid dahil kay MeMe.
- hindi ko itotodo ang pagiging musikera ko, kasi wala yung influence ni Amae.
- wala akong mapagsasabugan ng galit kay Mandy. =)
- hindi ko iintrigahin ang mga crushes nila Nat, Kan, Mac, Francis & Xtian.
- hindi ako kikiligin sa mga moments ni Yap & ng kanyang crush.
- hindi ko malalaman ang tunkol sa IPA.
- wala akong sinasabihang, "BaClub! Lunch! Canteen!"
- wala akong maingay na mga kasama tuwing lunch.
- hindi ako madalas tatambay sa Starbucks.
- hindi ako magiging senti tuwing susulatan ko ng letter si nat.
- hindi magiging senti at straightforward si nat dahil sa mga payo ko sa kanya.
- hindi ko malalamang busting out pala si mac. =)
- hindi ako iiyak at mababadtrip matapos sabihing, "ang babaw mo. para yun lang." ni francis.
- wala akong ililibre to the max sa SM before christmas break.
- wala akong makakapang abs nila Nat & Larz.
- hindi ko agad makokopyahan ng assignment si Kanlouise.
- wala sa bokabularyo ko ang oh yesss, da bomb, shame at kung anu-ano pa.
- wala akong pinagdadasal tuwing schooldays na, "Lord, sana mas lalo pang tumibay ang samahan ng BaClub. sana wala pong makakaisip na kumalas, at sana po kumonti na ang aming mga bestfriends."
- tuwing umaga, hindi pa ako magkakandarapa sa pag-iisip ng corny na joke na tatawanan ng BaClub.
- di ako mahihilig sa sayaw, kasi di ko naman kaclose sila Dana & Ace.
- hindi ako maaakusahan ng mga magulang ko na nagtetelebabad kasi may pinapatanong si Larz kay Nat, kaya kailangan ko pang tumawag kay Nat o di kaya hintayin yung tawag ni Larz. [wohoow. BRIDGE. pinahaba lang.]
- di kami magiging close ni Zid, o kaya ni Chito.
- di ko malalaman yung isyu ni SillyBeer pati ng bahay ni Raymark.
- walang makapagtitiis sakin pag nangungulit ako.
- di akong magmumukhang si Santa Claus pag pasko dahil sa laki at dami ng mga regalo at reregaluhan ko.
- natitipid pa ang load ko kasi wala akong katsismisan sa txt.
- wala pa yung kacornyhan kong tatawagin yung buong BaClub para sa isang open forum.
- walang nagsasabing, "melai, libre naman!" ng madalas.
- di ko tuluyang naiintindihan ang mga kalandian nga mga lalake.
- walang nambabara sakin pag kumocorny ako.
- wala akong kinekwentuhan ng tunkol kay Mandy. =)
- walang nagtitiis sakin kapag hyper ako at nakikita ko si MOON.
- wala akong niyayayang magtouch ball.
- di ko alam kung ano ang touch ball.
- hindi ako magiging mas ma-L.
- wala akong sikretong minamahal. oi romantically speaking yan. yung tipong nasasaktan ka pag nababanggit yung tunkol sa crush nya. yung tipong kinikilig ka pag may pagkakataong naglalandian kayong dalawa. yung tipong naiinggit ka ng palihim pag meron syang nilalanding iba. yung tipong namimiss mo ng SOBRA ngayon, to the extent na gusto mo na syang itext at sabihing, "oi! happy new year! i love you." pero bigla mong maiisip na wala kang karapatang magtxt ng ganun. =(
marami pa talaga yan e. pero tulad nga ng isang kasabihan [wowowee.], actions speak louder than words. hayy. seryoso, lagi talaga akong nagpapasalamat na andyan ang BaClub para maging sandalan ko sa problema, katropa pag may kaaway, kasama ko sa kasiyahan at katsismisan ko tuwing may mga isyu. waaah. di ko lang talaga madescribe kung gano ko na sila kamiss ngayon. sana january 3 na. para may kakulitan na ulit ako. =)