Monday, January 17, 2005
ayaw ko ng magsorry, sawa na kong magsisi...
Siguro pag walang BaClub...
~ walang BaClub friendster account. =)
~ wala akong sasabihang DanaSEXY o kaya AceSEXY.
~ hindi ako magbabalak na magtipid dahil kay MeMe.
~ hindi ko itotodo ang pagiging musikera ko, kasi wala yung influence ni Amae.
~ wala akong mapagsasabugan ng galit kay Mandy. =)
hindi ko iintrigahin ang mga crushes nila Nat, Kan, Mac, Francis & Xtian.
~ hindi ako kikiligin sa mga moments ni Yap & ng kanyang crush.
~ hindi ko malalaman ang tunkol sa IPA.
~ wala akong sinasabihang, "BaClub! Lunch! Canteen!"
~ wala akong maingay na mga kasama tuwing lunch.
~ hindi ako madalas tatambay sa Starbucks.
~ hindi ako magiging senti tuwing susulatan ko ng letter si nat.
~ hindi magiging senti at straightforward si nat dahil sa mga payo ko sa kanya.
~ hindi ko malalamang busting out pala si mac. =)
~ hindi ako iiyak at mababadtrip matapos sabihing, "ang babaw mo. para yun lang." ni francis.
~ wala akong ililibre to the max sa SM before christmas break.
~ wala akong makakapang abs nila Nat & Larz.
~ hindi ko agad makokopyahan ng assignment si Kanlouise.
wala sa bokabularyo ko ang oh yesss, da bomb, shame at kung anu-ano pa.
~ wala akong pinagdadasal tuwing schooldays na, "Lord, sana mas lalo pang tumibay ang samahan ng BaClub. sana wala pong makakaisip na kumalas, at sana po kumonti na ang aming mga bestfriends."
~ tuwing umaga, hindi pa ako magkakandarapa sa pag-iisip ng corny na joke na tatawanan ng BaClub.
~ di ako mahihilig sa sayaw, kasi di ko naman kaclose sila Dana & Ace.
~ hindi ako maaakusahan ng mga magulang ko na nagtetelebabad kasi may pinapatanong si Larz kay Nat, kaya kailangan ko pang tumawag kay Nat o di kaya hintayin yung tawag ni Larz. [wohoow. BRIDGE. pinahaba lang.]
~ di kami magiging close ni Zid, o kaya ni Chito.
~ di ko malalaman yung isyu ni SillyBeer pati ng bahay ni Raymark.
~ walang makapagtitiis sakin pag nangungulit ako.
~ di akong magmumukhang si Santa Claus pag pasko dahil sa laki at dami ng mga regalo at reregaluhan ko.
~ natitipid pa ang load ko kasi wala akong katsismisan sa txt.
~ wala pa yung kacornyhan kong tatawagin yung buong BaClub para sa isang open forum.
~ walang nagsasabing, "melai, libre naman!" ng madalas.
~ di ko tuluyang naiintindihan ang mga kalandian nga mga lalake.
~ walang nambabara sakin pag kumocorny ako.
~ wala akong kinekwentuhan ng tunkol kay Mandy. =)
~ walang nagtitiis sakin kapag hyper ako at nakikita ko si MOON.
~ wala akong niyayayang magtouch ball.
~ di ko alam kung ano ang touch ball.
~ hindi ako magiging mas ma-L.
ayan. napakasarap ulit-uliting basahin yang kasentihan ko sa BaClub. lalo na pag nadarama mong anumang oras e lahat kayo magkakawatak-watak. hayy. ang sarap talagang maalala yung mga panahong nabubuo pa lang yung BaClub, at nagsisimulang maging friendly friends sa isa't isa. masarap sariwain yung mga segundong masaya kami't nagttouchball, nag-aasaran, nagbabarahan, nagbabanatan, nagtatawanan, sabay-saba na kumakain, nagtutulungan sa assignments, naghuhulaan ng sikreto, nang-iispat, nagtsitsismisan, nag-iiyakan, nagsasabihan ng problema, nakikipag-away, nagpaparinig, sabay-sabay na nag-oonline, nagsisisibat sa canteen, nagtititigan, nagoottisticate, nagccram, nagpapakaGC, nagffriends, nagkakantahan, nagsasayawan, nagkakantyawan, nag-iimbento ng sariling moments, nagjojoke ng corny, tumatawa sa kacornyhan, halos lahat na.. eto na siguro yung pinakamalungkot na moment ng buhay sekenyir ko sa Xientia.
sana, kung hindi ako nag-inarte, hindi na mangyayari to. sana, kung hindi sya mapride, masaya pa kami ngayon. sana, kung di sya tumiwalag, hindi na naiilang yung iba sa amin. sana, kung nasabi nila to agad e mas madaling mareresolba ng simpleng usapan, sabay peace na lahat. sana, kung di lang kumitid yung mga utak namin, e di humantong sa ganito. sana, kung may problema sya, wag nyang sinosolo, kasi para san pa ang kaibigan kung di naman masasandalan pag oras ng pangangailangan? sana, kung ayaw na nya, wag nya idamay yung iba. sana malaman na nyang nakakasakit na sya ng damdamin ng ibang tao. sana marealize nyang hindi kami makukuha sa pagmamanhid-manhiran nya, at hindi kami magpapadala sa drama nya. sana, pilitin naman nyang magbago, o kahit man lang mag-adjust para sa mga kaibigan nya. sana, maging maayos na kaming lahat bukas. ayoko ng mag-away away kami. sawa na ko sa kasosorry, kasalanan ko man o hindi. siguro panahon na para aminin din nang tao rin sya't nagkakamali, at para sa isang kaibigan e kailangan nyang mabitawan yang pinakatatago nyang pride. SANA.
sige, sabihan na akong mababaw, o di kaya sensitive. inaamin ko naman e. kahit imperpekto ang BaClub, mahal ko pa rin sila. ayoko lang mawala sakin ang mga kaibigan ko.