http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Sunday, September 04, 2005
pero minsan nag-iiba ang ikot ng moon-do.

tama nga sila. bakit nga ba sa buong buhay ko sa Xientia e nagustuhan kita?

pwede namang siya. si ganito. o si ganyan. pupwede namang iba. ano bang meron sayo't di ko maiwasan ang mapalingon pag andyan ka?

isa lang yon sa aking mga ordinary days nung first year ko sa Xientia. andun ka, nangangampanya. reaksyon ko? wala lang. sino ka naman ba sakin? oo, gwapo ka. pero nung mga panahong yon, aaminin kong wala akong pakiyeme pagdating sa ganyan. actually, mahina ang taste ko sa mga ganyang bagay. isa lang ang alam ko non: nasa Xientia ako para mag-aral. no more, no less.

pero anak ng patis naman. inatake na ako ng tinatawag nilang pag-ibig. sportsfest yon, natatandaan ko pa. nagppraktis kayo non sa basketball. may napakahabang linya kami non ng mineral water para sa players namin. e dahil lampa ka, sinira mo yung linyang yon ng bola ng basketball. nagalit sayo yung karamihan samin.

pero ako. anong ginawa ko? ngumiti, nagsabing "hinde. okey lang" at tinulungan ka pang ayusin yung mga mineral watter bottles namin. iba na talaga ang nagpapakatanga sa pag-ibig. teka. PAG-IBIG NA BA TALAGA YON?

hinde ako sigurado non. ang pinanghahawakan ko lang, lumalakas ang kabog ng dibdib ko pag nakikita kita. babaw no?

at natapos ang freshman year. akala ko hanggang dun na lang ang lahat. akala ko makakalimutan ko na ang naramdaman kong 'infatuation'. pagkatapos ng summer break, nakatuon na akong muli sa pag-aaral.

nagsimula na ang sophomore year at lahat, hinahanap pa rin kita.

oo, nagpalipas oras ako't humanap ng iba. ibang akala kong mas hihigitan ka't magpapakabog rin ng puso ko. mga taong magiging inspirasyon. bakit sa mga ibang yon e mukha mo pa rin ang hinahanap ko? marami na ring pagbabago sayo non. hindi ka na ganun kapapabol. marami ka ng tigyawat sa mukha, pero wala sakin yon. ano ba naman ang pimples kumpara sa nararamdaman ko? lahat naman ng tao e dumadaan sa ganyan. para sakin, may iba ka paring kagwapuhan. sa kabila ng sandamukal mong tigyawat.

at hanggang ngayon, in lab pa rin ako sayo. lalo ng dumarami yang tigyawat mo sa mukha (pastime mo ata ang pagtitiris ng pimples), tumatangkad ka na't lalong bumababa ng section. mababa ang grades, nagpapabaya. at eto naman ako, dumarami rin ang tigyawat, pilit na nagpapakaGC, nagpapakatino, at patuloy na nagmamahal sa isang taong alam kong kailanma'y hindi mapapasakin. siraan ka man ng iba, alipustahin ka man nila, wala akong pakialam. kahit hindi kita ganoon kakilala, wala akong rason para hindi ka mahalin. at wala akong magagawa kundi ang lumingon sa bawat oras na andyan ka, sumulyap sa mga panahong daraan ka, at ipagdasal sa araw-araw na maging ligtas ka.

hindi ko naman hinihinging suklian mo ang pagmamahal kong to. gusto ko lang na walang hahadlang sa bagay na minahal ko ng gawin: ang magparaya't magpakamartir para lang sayo.

oo, maraming nagsisigwapuhan dya't makikinis ang mukha, di tulad mo na may mukhang halos nangangamatis sa dami ng tigyawat. muli, ano ba naman ang pimples kumpara sa nararamdaman ko? yun lang ang tanging pinanghahawakan ko, na lumalakas ang kabog ng aking dibdib pag andyan ka. yun lang, wala nang iba.

at kahit umiikot ka na sa ibang mundo, ikaw pa rin ang nag-iisang moon ko. :D i love you moon. :D



Melai walked on the sunny side.
8:59:00 PM