http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Friday, October 28, 2005
I learned to play on the safe side so I don't get hurt..

waah. grabehan talaga yang because of you ni kelly clarkson. patama ba ito? woosh. :)

at syempre, dahil wala akong mapost, nagbukas ako ng sandamukal na blogs. at poof. nalagay sa url na http://gudgirlako.blogspot.com. blog ni dana. at napag-isipan kong pagnilay-nilayan ang recent post nya, na tamang tama sa sitwasyon ng buhay ko ngayon. :) hahahaha.

goodbyes make you think. they make you realize what you've had, what you've lost.. and what you've taken for granted. they make you realize that sometimes, there are no next times..

eto daw yung status msg ni joyce na nagpatama kay dana at tumalbog rin sakin. oh db. :)

goodbye. napakadaling sabihin, pero napakahirap gawin kasi nanunuot sa damdamin. lalo na sa buhay pag-ibig. at mas lalo na kung hindi pa talaga dapat matatapos ang lahat sa inyo. as in andun pa ring yung nararamdaman mo, at hindi ka pa handang kumawala sa kanya pero kailangan. it's now or never. :(

masakit mang isipin, pero hindi yang 'goodbye' na yan ang tatapos sa lahat-lahat. magpaalam ka man sa kanya, di mo pa rin siya maalis sa damdamin mo. tumingin ka man sa iba, siya pa rin ang makikita't hahanapin mo. kahit ba sabihin mong everything's over e di parin sapat yon para masabing 'everything really is over'.

tama nga sila... sa goodbye mo marrealize ang lahat. you'll never how much a person matters to you until he's gone. dahil totoo. saka lang babalik sayo ang lahat ng nangyari sa inyo, at saka mo lang din masasabing, "sana pala.." ganito ganyan. napakaraming dapat na nagawa, pero huli na ang lahat. kung dati puno ka pa ng pag-asa, biglang nauwi ang lahat sa wala. kumbaga rejected. ignored. denied.

sometimes, there are no next times. bibihira na lang sa panahon ngayon yung love is lovelier the second time around. usually kasi, kahit second time, pinagkakait pa. :( hindi mo na mababalik ang lahat ng kinasanayan mo. andyan sya ngayon, at baka bukas o makalawa, wala na sya at hindi na babalik pa. hindi sya exam na pwede pang bawian. it's the million-dollar thing. :( patay ka na lang if it comes too fast. pwede syang mawala at magsawa ng ganun din kabilis.

huwag na tayong umasa sa next times kung ayaw na rin lang ng tao't may pinagbabalingan ng iba. ika nga ni mandy moore, "one sided love is never gonna work." kaya kahit ikaw na ang pinakasantang martir sa mundo, ikaw ang pinakalugi kapag lahat ng efforts mo ay di sinusuklian ng mahal mo. oo nga, kuntento ka na sa ganoon, pero at the end of the day, ikaw pa rin ang loser.

hay nakow. hebi ang drama. :)



Melai walked on the sunny side.
1:02:00 AM