Saturday, October 15, 2005
summer has come and passed. the innocent can never last.
LSS: Wake Me Up When September Ends - Green Day
***
pagmamahal nga bang talaga, o masyado lang akong nadadala?
pagpasensyahan nyo na kasentihan ko. :) carried away lang ako sa mga recent events sa aking buhay ngayon. WAKE ME UP WHEN SEPTEMBER ENDS TALAGA! :(
alam ko naman eh. darating at darating yung puntong ganon. sana lang nakapaghanda ako ng mas mabuti. kasi, isang saglit lang na nabaling yung atensyon ko sa iba, biglang POOF. i became koko crunch.
joke lang.
iba yung feeling eh. tumatagos. tapos grabehan pa talaga yung mamatahin kang ipamumukha sayong ika'y isang tumataginting na LOSER! haha epek. :) wait ka lang.
sana pala hindi ko na siya tinugunan. sana e hindi na lang pala ako nagpumilit sa iba. dati-rati kasi, alam kong lagi ka lang andyan. nagmamatyag, nagwawalang-bahala. kaya mas pinili kong mahumaling sa kanya. di ko makakailang sa iba e hinahanap pa rin kita. pero ibang tao yun, ano ba naman sayo? masaya ako sa kanya. masaya ako sa piling nya, kahit itanggi namin to sa isa't isa. masaya ako... nung panahong iyon. tas ngayon, malingat lang ako, aalis ka na. papalayo ka na, kasama nya. di ka man naghihintay, sawa ka na sa isang bagay: ang maramdamang may nagmamahal sayo.
kung alam ko lang talaga. :( kung sana'y naging bukas ako sa kung anong isinisigaw ng puso ko. sana'y kahit minsan e tinuruan ako ng Diyos na lumandi, sa isang magandang paraang di makakasakit ng iba. Lord, kung pinanganak lang ako na malakas ang loob, di sana ako nagdurusa ng ganito ngayon.
break it to me gently. hindi yung ura-uradang wawasakin mo ang mga pangarap ko.
napakaraming sana't dapat nagawa ang ganito, ganyan... pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mababago ang nangyari na.
tanungin man nila ako ng, "oh melai, ok ka lang?" syempre si melai ako. palaging nakangiti't tumatawa. walang lugar ang depression sakin. si melai, senti? asa pa. at ang melai na sagot, "oo, marami pang iba dyan..."
oo nga. marami pa talagang iba dyan. pero unti-unting nanunuot ang poot ng puso, nagsasabing, "mapapantayan kaya nila ang sakit na dinulot nya?"
haay. sana nga mapantayan nila.
***
oo nga't nagdurugo ang puso ko ngayon, pero salamat na lamang sa mga pilit bumubuo muli ng buhay ko.
+++++++++++++++++++++++++++++++
tama na nga kasentihan. wala naman akong mapapala e. :)
nagpapichur pala kami. mga members ng ysg. :) hehe. :)
wahaha. walang chem enrichment, tas nagdiscuss si sir ian ng projectile motion. :) at namiss ko pala si tsong-pare-dude-tol-kabeegee yappy. dapat kasama to sa pichur eee.
ay hinde. nagdiscuss si sir sb. diniscuss nya yung sa tshirt namin. :) ang kyut nung asa likod, "i am born to be... i am meant to be... i am a member of the YSG..." tas dinugtungan ni kan, "...mga alagad ni ian & sb!" yun eh! :)
kelangan ko na matapos tong "proyekto sa SIPNAYAN 3...", ika nga ni chito. haay. :)
Melai walked on the sunny side.
11:02:00 PM