http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Wednesday, December 29, 2004
o kay tagal din kitang mamahalin...

SM Tripping. this is it. =) nagSM kami kanina. kasama ng mga friends ko sa village. para kaming mga tunay na terorista ng mall ever. gash.

STRIKE 1: kasi asa escalator kami.
ako: oh yesss. naaalala ko sila raymarrrrk.
angel: sino yun? bakit?
ako: ah, bsta, klasmeyt ku. marunong kasi sila magpatigil ng escalator e.
lei: oh? pano?
angel: ah, para bang ganito? *sabay sipa dun sa isang switch sa may gilid*

*TIRIK**TIRIK**TIRIK**TIRIIIIK*

angel: yesss! nagawa ko! =)

ayan. WINDANG. eto pa.


STRIKE 2: asa blue magic kami. andun kami sa scents nila. e etong si rose, di tumitingin sa mga perfume bottles. biglang natabig yung bote ng heaven and earth. dali-daling lumapit yung ibang mga crew na lalaki ng blue magic.

crew i: o, may nabasag ba?
crew ii: wala naman. ay, eto o, may basag. *sabay turo sa dati pang basag na case.*
*TAWA**TAWA**TAWA*
angel: ay, grabe, nakakatawa. GUSTO NYO ITUMBA KO PA TONG IBANG PERFUME?

yan ang pasaway. =)


STRIKE 3: eh dumadaan kami sa men's section ng department store. di ba merong mga ad stands na asa gitna ng daanan? oh yesss. niyugyog ni lei yun lahat. WINDANNNG.


STRIKE 4: bumibili kami sa ice monster.
ako: miss, isa pong banana ice, please.
crew i [lalake]: ano ho yun?
ako: eto o. *sabay kuha dun sa cardboard na parang menu ng ice monster, sa may gilid ng cashier* banana ice.

yesss. we are pasaway poreberrr.

Siguro... ayan. listahan ko ng mga siguro kung wala akong BaClub na namimiss ngayon. =) [oi senti itooo.]

Siguro pag walang BaClub...
  1. walang BaClub friendster account. =)
  2. wala akong sasabihang DanaSEXY o kaya AceSEXY.
  3. hindi ako magbabalak na magtipid dahil kay MeMe.
  4. hindi ko itotodo ang pagiging musikera ko, kasi wala yung influence ni Amae.
  5. wala akong mapagsasabugan ng galit kay Mandy. =)
  6. hindi ko iintrigahin ang mga crushes nila Nat, Kan, Mac, Francis & Xtian.
  7. hindi ako kikiligin sa mga moments ni Yap & ng kanyang crush.
  8. hindi ko malalaman ang tunkol sa IPA.
  9. wala akong sinasabihang, "BaClub! Lunch! Canteen!"
  10. wala akong maingay na mga kasama tuwing lunch.
  11. hindi ako madalas tatambay sa Starbucks.
  12. hindi ako magiging senti tuwing susulatan ko ng letter si nat.
  13. hindi magiging senti at straightforward si nat dahil sa mga payo ko sa kanya.
  14. hindi ko malalamang busting out pala si mac. =)
  15. hindi ako iiyak at mababadtrip matapos sabihing, "ang babaw mo. para yun lang." ni francis.
  16. wala akong ililibre to the max sa SM before christmas break.
  17. wala akong makakapang abs nila Nat & Larz.
  18. hindi ko agad makokopyahan ng assignment si Kanlouise.
  19. wala sa bokabularyo ko ang oh yesss, da bomb, shame at kung anu-ano pa.
  20. wala akong pinagdadasal tuwing schooldays na, "Lord, sana mas lalo pang tumibay ang samahan ng BaClub. sana wala pong makakaisip na kumalas, at sana po kumonti na ang aming mga bestfriends."
  21. tuwing umaga, hindi pa ako magkakandarapa sa pag-iisip ng corny na joke na tatawanan ng BaClub.
  22. di ako mahihilig sa sayaw, kasi di ko naman kaclose sila Dana & Ace.
  23. hindi ako maaakusahan ng mga magulang ko na nagtetelebabad kasi may pinapatanong si Larz kay Nat, kaya kailangan ko pang tumawag kay Nat o di kaya hintayin yung tawag ni Larz. [wohoow. BRIDGE. pinahaba lang.]
  24. di kami magiging close ni Zid, o kaya ni Chito.
  25. di ko malalaman yung isyu ni SillyBeer pati ng bahay ni Raymark.
  26. walang makapagtitiis sakin pag nangungulit ako.
  27. di akong magmumukhang si Santa Claus pag pasko dahil sa laki at dami ng mga regalo at reregaluhan ko.
  28. natitipid pa ang load ko kasi wala akong katsismisan sa txt.
  29. wala pa yung kacornyhan kong tatawagin yung buong BaClub para sa isang open forum.
  30. walang nagsasabing, "melai, libre naman!" ng madalas.
  31. di ko tuluyang naiintindihan ang mga kalandian nga mga lalake.
  32. walang nambabara sakin pag kumocorny ako.
  33. wala akong kinekwentuhan ng tunkol kay Mandy. =)
  34. walang nagtitiis sakin kapag hyper ako at nakikita ko si MOON.
  35. wala akong niyayayang magtouch ball.
  36. di ko alam kung ano ang touch ball.
  37. hindi ako magiging mas ma-L.
  38. wala akong sikretong minamahal. oi romantically speaking yan. yung tipong nasasaktan ka pag nababanggit yung tunkol sa crush nya. yung tipong kinikilig ka pag may pagkakataong naglalandian kayong dalawa. yung tipong naiinggit ka ng palihim pag meron syang nilalanding iba. yung tipong namimiss mo ng SOBRA ngayon, to the extent na gusto mo na syang itext at sabihing, "oi! happy new year! i love you." pero bigla mong maiisip na wala kang karapatang magtxt ng ganun. =(

marami pa talaga yan e. pero tulad nga ng isang kasabihan [wowowee.], actions speak louder than words. hayy. seryoso, lagi talaga akong nagpapasalamat na andyan ang BaClub para maging sandalan ko sa problema, katropa pag may kaaway, kasama ko sa kasiyahan at katsismisan ko tuwing may mga isyu. waaah. di ko lang talaga madescribe kung gano ko na sila kamiss ngayon. sana january 3 na. para may kakulitan na ulit ako. =)




Melai walked on the sunny side.
8:47:00 PM



Tuesday, December 28, 2004
it's called KARMA baby, and it goes around...

so. naisipan ko ring magblog. ohohho. ü heniweiii. magpapakabait nako sa entry kong to [yan, maniwala nman kayo. XD]...


wag kang magpa-upsize ng drinks.


tama. una, kasi sayang sa pera. pangalawa, pag mei pupuntahan kayong malayo, baka maihi ka lang sa daan. ü pangatlo, mas lalo ka lang mauuhaw. tsk. nung bente seis kasi nagdinner kami ng pamilya ko sa McDo. [West Ave. branch, yung malapit sa Philam] [[oyesss. detalyado sya.]] tas ayun, umorder aku ng mcnuggets meal tsaka twister fries. yung sopdrink ko pala upsized. e after nun, pupunta kami ng starcity. o di masinsinang paglalakbay yun. syeyym. on the way nakadama ako ng urinating sensation. OYESSS. e wala pa nmang malapit na CR dun. nakapaghintay pa aq ng 10 yrs bago naalis yung pagkatuliro ko. hmmph.


wag kang singitera. kung di maiiwasan, wag mo na lang pahalata.


ayan. o di db nagstarcity kami? unang pinilahan namin e yung balloon wheel. teka, una & huling pinilahan. syeyym. alas otso kami pumila dun, tas nakasakay kami ng alas dyes. oh yessss. pramis. bakit? DAHIL SA MGA SINGITERA. putek. bale sa harap namin, mga labindalawa lang naman yung sumingit. OO. TWELVE LANG. linsiyak. kundi lang talaga mas bata sakin, di ko na pinatawad e. yung dalawa dun actually, pinagbigyan narin ng ate ko. ANG SARAP NILANG KALBUHIIIIN. dalawang oras kaming nakapila dun, tapos biglang eekstra sila sa harap namin! ay syeyym. nakakairita pramis. katwiran pa nila, NAKAPILA SILA DUN SA MAY ENTRANCE. syeyym, sobrang lame ng excuse nila. dakilang boplax! o di kung nakapila na sila dun sa entrance malamang nakasakay na sila! haler. may designated tlga na pila, at ilang beses ka pa iikot dahil sa dami ng magbaballoon wheel. linsiyak. impernes nahasa yung parinig skills ko nun ah. everrr. banat ko pa nun, "excuse me, nakapila kayo? i don't think i recognize you mula sa dulo." putek. total shame sila duuun. hoyesss. nakakaasar di nyung mga pagmumukha nila! para silang mga mohawk na tinadtad ng tigidig [pimples] sa bibig! grrrr. [teka, calm down, parang wala kang natutunan sa youth camp.] [[ahahayy, holy.]]


wag kang oorder ng mga pagkaing mahirap lutuin sa isang fastfood chain.


oo nga naman. KAYA NGA FASTFOOD E. kasi pag mahirap lutuin, manlulumo ang reputasyon nila bilang fastfood. magiging SLOWfood na. oh yesss. corny. teka, in the first place... FASTFOOD BA ANG CHOWKING? yooon. ewan ko. pero mukha silang fastfood. anyways, ipagpalagay na lang nating fastfood sila. o di ayun. nag-order naman aku ng 1pc chicken dun. ay syeyym. after 30 minutes ata yung hinintay ko. kemalas-malas naman ng araw ko oh. hayy. o di pinabalot ko na lang sya. itetake out ko na lang. linyakacious, limang minuto pa binalot yung pagkain! GARRR. nakakapang-init ulo. =) hayy.


tsk tsk. sa susunod talaga di na ko pupunta sa mga lugar na ma mga lampang crew. =) [oh yesss. it's lampa, tol. ansama kong magsalita.]



Melai walked on the sunny side.
2:52:00 PM



Wednesday, December 22, 2004
someday i'll go, dancin' on the MOON.

wahaha. wowowow! IT'S MY BIRTHDAYYYY! yeah yeah yeah. =) heniweiii. ANDAMI KONG NATANGGAP NA GREETINGS NGAYOOON! pati na regalooo. pinakapeburit ko e yung gip sakin nila mama & papa... latest scanner model na kahit negative ng pics e pwede mo ng iscan! woooo! TECHNOLOGY TO THE HIGHEST LEVEL ITOOOO! =) rumaraos na rin ako sa kahirapan, kasi marami saking nag-aabot ng mumunting pulang sobreng naglalaman ng mukha ni ninoy at ni josefa llanes escoda, chuchueverr. =) heniweiii. magpopost na lang ako ng BaClub pics, pati yung pics ko na lang para malufeyy.







eto yung pic namin bago yung battle of the bands. =) kasama si gorgeous alen nyan. at dahil dyan sa pic na yan e nabansagan si dana na BALOT. tingan nyo naman yung ulo nya o. may sabaw. WAHAHA. =)





ayan. yung nakabrown e yung bestfriend ko sa village namin, si dawn. yugn nakablue e yung ate ko. AHAHA. kanina lang yan. tripping lang.





yey. the complete BaClub pic to date. eto ang comments...

Zid: pumayat kaaa! * Mac: easy ang pagsmile, baka maadik si SILLY BEER. woohoow. * Kan: yan ang ngiti ng tsumatsamba sa DanceManiax! * Francis: iho, baka nalilito ka na sa gender mo. * Nat: TV IDOL, you're the mannnn! * Larz: o, ano reaksyon ni red? ahaha. * Dana: boobs na, bilbil pa... TURN OFF! * Yap: the smyl is anti-pangiiit! * Melai: o wag ka na, bartdeiii mo naman ngayon e. * MeMe: oyesss. we can feel it! the shoulders pare! * Xtian: naglalaban ba kayo ni nat sa TV idol? ai.. LOVE IDOLSA! you're the pairrr! asteg! * Ace: o ayan, at nagposing na naman si miss photogenic. wala na to. * Amae: charmiiiing! iba yan a, prang di hartbroken. WUSHU. * Jihad: yike, poreber smiling kahit na nabasted ng walong beses at nawalan ng cellypown! =)





ayan. isa pa naming pic. wala lang. perstaym naming magdigital nyan.





dyan nagsisimula yung alitan sa BaClub e. pag may natakpan sa studio pic. OH YESSS.





oh no. not another cute, gorgeous, and high-quality BaClub pic. =) yey. NOTABLE: Xtian: pare yung adam's apple! * Francis: oh MY FRANCIS! do you dig me? * Zid: homayy, nagpapatungan na kayo ni lariela ngayun! lagot ka kei red. =)


tsk tsk. di ko na bartdeiii bukas. hayy. =) heniwei. MALUFEY, malapit na christmas!



Melai walked on the sunny side.
7:54:00 PM



Tuesday, December 21, 2004
sandali na lang, maaari bang pagbigyan?

yeah. para sakin schoolday pa rin ngayon. bakit? simple lang. kasi pumasok ako. O DI BA? ganyan ang sabik sa eskwelahan. hindeee. kasi nagpasa ako nun project sa MAPEH. ayuuun. kahindik-hindiiiik. san ka pa? GC ba yaaan? heniwei. nang dumating aq sa skul, nakasalubong ko si totoy bibat, na nagkataong magpapasa din ng project sa MAPEH. nung sumibat kami sa room, nakita naming nagkakandarapa si larz na buksan yung room. OH YESSS. the room is anti-open. tsk tsk. andun pa naman yung project ni larz sa loob. hayy. buti na lang pare, malapit sya sa windows. o di sinungkit nung daddy ni larz. tas nagpasa kami. ayun. NAKARAOS DIN! =) oyesss.


onga pala, mei usapan kami ni meme nun na sabay kaming magpapasa. e dahil masyado syang nangarir, nalate sya kaya hinintay ko pa sya sa McDo at sinamahang magpasa. tas diretso SM kami para ubusin yung tokens namin sa Quantum & Worlds of Fun. ano pa nga bang gagawin namin? DANCE MANIAXXXX! =) habang palakad papuntang SM, namanagha kami't nagkasalisihan kami kasama si ace. oi impernes ibang ace yung nakita namin. sya yung MAHINHING VERSION ni ace gapuz. pramiiis. =) nakaiskert, pangsimbahan yung top, yung tipong anytime e sisibat na sa heaven. OH YESSS. nagpasama pa syang bumili ng quickly tas hinatid pa namin sya sa sakayan ng FX.


o di yan nga. MANIAX naaa. wala nakogn masyadong makkwento dun, pero after e naglibot-libot pa kami. pinasukan namin yun mga shop na di pa namin napapasukan ever. parang yun forme, marks & spencer.. basta yun mga shops na magagara na alam naming kahit ilang allowance ang tipirin namin e masususyod pati hibla ng wallet namin sa kamahalan ng mga binebenta doon. =) tas ng napagod na kami, pumunta kami sa all-time peburit naming tambayan, STARBUCKS. =) teka, bumili pa pala kami ng kendi sa candy mix. NAGBALIK NA RIN ANG AKING PINAKAMAMAHAL KO NA STRAWBERRY DREAM! woohoo! mapapalagi na aq sa candy mix.


ayun, balik tayo sa kwentong starbucks. as usual, nag-order ako ng vanilla cream. pero this time grande na sya. asensado. ayun. nagtsikahan kami to the max ni meme... tapos ginawan din namin ng kanta yugn mga tao sa starbucks na kahit wala ng ginagawa e pasaway... ayaw pang umalis, hindi iniisip yung mga iba pang uupo... tsk tsk. buti ngaaa. tinunaw din namin yung studio pics namin kahapon... at napagpasyahan naming kras namin si francis dun sa funny pic! ay, pati pala si kristian! =) nang wala na kaming mapag-usapan, nagpasya akong umuwi na. =)


oo nga pala. bago na naman yung redirection netong blog ko. http://www.moondreamer.tk/ ayun. sharing lang, in case gusto nyong malaman. =)


hayy. burtdeiii ko na bukas. BERTDEIII NA NAMIN NI JENNIE! ehehe... hapi burtdeii kaburtdeii! =) hapi burtdeii na rin sakin! ahaha.




Melai walked on the sunny side.
9:26:00 PM



Monday, December 20, 2004
how can i know what you're thinking?

oh yesss. bakasyon naaa! katatapos lang ng xmas party namiiin, tas sobrang flattered ako... bale, kung idadaan sa regalo, siguro marami ng nagmamahal sakin. ohohho. wait lang, ishare ko muna yun nangyari ng weekend. =)

December 17-19, Friday to Sunday ~ YOUTH CAMP

eto ang mga araw na siguradong di ko makakalimutan sa tanang buhay ko. ang mga araw ng aking YOUTH CAMP. hayy. eto na siguro yung mga araw kung kelan napakabait, napakarelihiyosa at di makabasag pinggan si karmela francia. wooo. enjoy talaga, tsaka mahal ko yung service team ng camp namin [lalo na yun music ministry... AHAHA. praning] [[wushu, mei kras ka lang sa music ministry eh.]] kasi sobrang galing nila magpalakad ng buong camp. pinakamamahal ko yung facilitator ko, kasi sya yun tumulong sakin throughout the camp. WAAAH. namimiss ko na ang YFC. wooo. =)

December 20, Monday ~ Xmas Party + BaClub Treat!

ayun. christmas party namin kanina. kung nakita nyo lang talaga, para akong si santa claus kanina sa dami ng bitbit kong gifts. WAIII. mabait kasi ako e. =) akalain nyong sa panahon ng christmas party e nagchecheck parin ng MAPEH project si ma'am dela paz?!?!?! homayy. ayaw pa nya tanggapin yung wire sculpture ko kasi dapat daw 3 flower. YAKII. di kya nya sinabi yun. ayun. nagkaron kami ng games, tapos kumain ng todo. di raw masyadong ginanahan si nat, kasi naka4 na balik lang naman sya sa kainan. WOWOWOW. =)

ayun. tas revelation na. as in nun exchange gifts. ang nabunot ko e si jane, tas ang nagbigay naman sakin ng gift e si kimberly. kaso nga lang nagkagulo. nung nagbunutan kami, absent si marvi. o di si sir ang bumunot para sa kanya. e to namang si sir, ang nabasa e francia. e dapat francis yun. HOMAYY. laking gulo. ayun, so ang nabili ni marvi na gip e pambabae. tsk tsk. kawawang pransis. pero impyernes ang bait nya ah, kasi binigay nya sakin yung binigay ni marvi! ohohho. bumabait si kikooo. =)

ayun. o di dapat sibat na kami sa SM nun. teka lang. di pa kasi aku naglilista ng mga binigay na gip sakin. WAAHH. proud na proud ako sa aking gips impernes. pagbigyan nyo nako, minsan lang kasi akong magOA sa gips. =) eto yung binigay ng BaClub.

DANA: hankies tas mga pantali sa buhok [walang sabiiit.]
NAT: hanky set na DORAAA! =) [oh yesss]
ACE: keychain na mushroom [mainggit ka danaaa]
MEME: stuff toy ng bearhuggs, yung baboooy [PIGHORN!]
LARZ: keychain na baboooy. [KYUT!]
AMAE: 3 CDs, sa january03 na tooo. =)
KANKAN: load! [alabyuuu kan!]
YAPPY: accessories holder
FRANCIS: wristwatch [kyut ng kulayyy! BLUE!]
MAKOY: glass figurines na birdiiiiies [ahaha. POREBER GREEN to.]
KRISTIAN: stuff toy sa BlueMagic na may HAPPY BIRTHDAY [magarang tagabigay ng gip tong si xtian!]
JIHAD: anklet tas isang madramang letter. =)

haha.. mahal na mahal ko na talaga ang BaClub! sana lang nagustuhan nila yung gips ko sa kanila... =) heniwei, o di sumibat na kami sa SM. nagpapic kami... o db ang gara? BaClub with Zid! galiiing. =) ang kyut kyut nga namin e. pumuti ang mga ulikba, di nakita ang mga kutis beybi, kuminis ang mga pimpolin, tsaka nagsmile na rin ang mga maaangas. =)

o di eto na ang main event! ANG DANCEMANIAX! yey. syempre umariba ang BeeGees... at perstaym di nafail ang LSAT with Jihad! =) nakasurbayb silaaa! kasi 2 LANE yung ginamit nila. as in yung walang sensors sa ibaba [yung blue], kundi puro sa taas. o di ba malaking pandaraya... pero impernes, HUMATAW SI KANLOUISE! at pambihira, nakakuha pa sya ng S! sumunod na umariba e si Kristian! naka A! si pransis naka D! sila nat, mac & jihad? E & F! pero di sila nafefail. ang mga malulufeyy. =)

nang nagsiuwian na, nagpatira kamign mga pasaway [amae, meme, larz & ako] sa starbucks. BONGGA. =) o di nagkape kami. tas nagbukas ng regalo. nagtsismisan. nagkantyawan. hanggang umabot yung taym na tinatamad na kaming magtawanan & magdadaan. umuwi na rin kami, finally. =)

would you believe it? PAPASOK PA AKO BUKAS. para lang sa pipitsuging MAPEH project na yan. hmmph. ganyan ang GC.

ai, oo nga pala. bumaba ako ng rank. naging 12.5. hokei laaang. =) keri yan. pakaGC sa third quarter.



Melai walked on the sunny side.
7:11:00 PM



Saturday, December 11, 2004
i don't wanna wait in vain for your love.

oyessss. pinakahuling araw na ng MTAP ngayon. akalain nyo, yung last day pa yung binoycott namin. hayy. kawawa naman si ma'am senador at ang kanyang arithmetic & geometric sequence. nanlumo kasi kokonti na lang yung umattend after break. kasi nman no... anong uunahin namin? carolfest o MTAP? end da paynal is carol pest. tsk tsk.


ayunnn. o di straight kami sa mcdo para bumili ng lunch. ahaha. e dahil break nga namin yun, kumain narin kami sa mcdo. ahaha. binigyan ko yung LSAT ng isang regular prench pries. aba, in less than 30 seconds (oo, tama yang nababasa nyo, tatlumpung segundo lang.) e ubos na ang pipitsuging prench pries. homayy. e nagkataong bumili din kami ng twister pries ni amae & meme. so binahagian din namin sila. aba'y akalain mong di rin umabot ng isang minutooooo! huwaw. matinde sa kasibaan ang mga itooo. sino bang di maiinis sa mga banat nila?


nat: o! ubos na? wala bang panulak?
mac: melai, mei binigay ka ba?
pransis: boys, dumating ba sa tiyan?
xtian: o kan, san umabot?
kan: dito lang o. *sabay turo sa lalamunan*
mac: sa susunod, pag nagbigay ka, dapat yung aabot ng 30 seconds.
pransis: oo, tapos may kasama naring panulak!
mac: tapos sa susunod may kanin na din o!


langya. sila na nga binigyan e, sila pa tong may angal. ang mga lalaki nga naman oooo. masisibaaa. patay ako sa bente. woooo. heniweiii. dumiretso na rin kami sa aming practice, tas nagpaiwan ng onti sila dana & yap para mang-ispat. ahaha. o di ayun. nung asa practice na kami, tinuro na samin yun deck the halls. yun na bale yung english song namiiin. nung una, walang kahirap-hirap saming altoes (alknees, alshoulders, alheaaaad.) kasi wala pang distraction. pero nung sinabay yung 4 voices o. wala na to. nanlumo na kaming altoes. windannnng. masyadong napuri ngayon ang LSAT, kesyo ambabababababa ng boses nila. woooo.


at ng natapos ang voice sessions namin, naglunch muna kami. habang naghihintay pa ng ibang avo2, pinichuran muna kami ni amae. woooo. ang ganda ng lugar namin sa practice. parking lot na may transparent na bubong sa taas. so pag tumapat ka dun, para kang hulog ng langit kasi ikaw lang yung sisikatan ng araw. ohohho. Divine Providence malufeyy. nagpichur rin kami kasama sila el bossing, el kiko tas si el james. mwoho. ispiking op LSAT. el nino pala si xtian. la lang, sharing lang yun.


natapos na rin (sa wakas) yun choreo namin. yay. konting choreo na lang sa deck the halls para astigin. lupey nga e, kasi yun praktis namin e natapos ng mga bandang 5pm na. oh so magaliiiing. yey. syimpri diretso sibat kami sa SM. himala nga e, kasi sumama samin si kan, nat tas si pransis. wohowww. si kan & nat pwede, pero si pransis? haler, e kj yun. heniweiiii. ayun. nagworlds of fun kamiiii. ohohho. naglaban-laban sa basketbol sina kan, nat & pransis. nanalo si pransis, pero natalo din sya ni larz. woiii. BeeGees (BaClub girls) da bomb! tas nagpunch din kami. syeym... kasi di ako masyadong galit keia ang hiiiiiina ng suntok ko. mwohohoo. naglaro din kami nung touch screen game. trivia sports game yun pinili namin. sa kasamaan at kasyeym-syeym na pagkakataon, nagtitiwala kami sa mga sagot ni pransis, pero mali naman. wooo. nasayang ang tokens. =) syempre maiiwasan ba namin ang tawag at hatak ng DanceManiax? o di nagmaniax kami. pinatry namin yun boys sa game, e ano pa, E DI FAILED. ohohho. di bale, darating ang bente't maaadik sila sa maniax tulad namin. wohohho.


teka, gagawin ko na yung outline namin sa AP. pati na rin yung assign sa english. woooo. hokeiii. GC mode starts now. =)




Melai walked on the sunny side.
11:48:00 PM



Friday, December 10, 2004
these words are my own, from my heart flown...

ohayy. since wala aqng maisip na i-post... maglalagay na lang aq ng mga KYUT na kata-kowts this week. =)

OH, NO, NO, NO, NO, NO! YOU KNOW WHY, YOU KNOW WHY?

ohohho. yan ang famous na banat ni warque nung nagpaalam sila jolly & yap sa kanya para gamitin yun geom time sa praktis. yakiii. what a lame excuse. gusto lang nyang magsayang ng chalk namiiin. pinapahirap nya ang sambayanang avo sa chalk! BAD WARTHOG. mwohohho.

ANG BABAW MO NAMAN, PARA YUN LANG.

ito na siguro yung pinakanakakahurt na statement na narinig ko sa tanang sekenyir layp ko sa quesci. syeym. sino nagsabi n2? sino pa, e di yung antipatikong walang kapanta sa kamanhirang si pransis. kasiii, merong isang haliparot [oi di si ace yan. ibang haliparot] na nilalandi yung MOON ko. o di syempre madidisappoint naman aq. mejo madrama kasi aq nun keia halos teary-eyed nako. aba, at biglang banat, "ang babaw mo naman, para yun lang". nako. kasi naman, porke MANHID sya, ambabaw ko na! e ano bang paki nya kung mababaw lng luha ko? di naman nya crush yun e! walang pakialamanan!

UPHILL, DOWNHILL...

yan yung drama namin kanina habang papunta sa luger na pagpapraktisan namin sa carolpesssst. kasi, parang umaakyat-baba kami sa bundok, pababa, pataas... impernes nakakahingal. ang KYUT ang avo2... one line! syet... malufeyy! halatang nagtitipid para sa panregalo sa paskoooo!

O DALI, MAGHAWAK-HAWAK TAYO NG KAMAY PARA MALAMAN ANG SAGOT...

oyeeessss. yan si ma'am model aka bucalig poreberrr. banat nya yan pag walang sumasagot ng tanong nya tuwing discussion, o kung nakikipag-usap lang sya sa ere. impernes ah, mas type ko sya kesa kei ellen. =)

HELLO KITTY STICKERS.

oh yes. eto ang banat ni meme kanina. kasi meron atang nakitang tindahang puro pambatang laruan si mac & pransis kanina. yung mga binebenta e yung tipong stickers, kendi, basta yung mga tipong stalls na katabi ng mga elem schools. katabi ng mga tindahan ng scramble, chuchueberr. ayun. eh banat ko, "patay, sila mac & pransis, nagggrocery." tas tinanung namin kun ano yung tinitingnan nila. biglang hataw ni meme, "hello kitty stickers". oh yesss.

LOS SINTONADOS ala TONO [LSAT]

aka ang BaClub boys. woooo. galing. kasi, sila lang yung mei bass voice sa class, tas sila pa un pinakapasaway sa choreo tas sa practice. tsk tsk. buti na lang pinuri sila kanina. mwohohho. eto ang members:
==> el bossing ~ kan
==> el dragon ~ mac
==> el james ~ nat
==> el aueH ~ xtian
==> el kiko ~ pransis
panalooo!

SIMBANG GABIIII...

na kinanta sa tonong wakwak. wala lang, demo lang yan nung pangit na boses na ayaw naming mangyari sa carolpest. tsk tsk. so so sooooo.

PIKPIRIPIKPIIIIK.

ang malufeyy naming kanta sa carolfest! ang pilit kong minememorize! ang lab kong isabay ng jumbo hakdok na istep! ahaha. hokei lang kahit mei kapareho kami... basta, malufeyy yung magiging presentation namiiin. oh yessss.

BASTA'T IKAW LANG ANG KAPIKPIRIKPIK KO!

yan ang isang linya sa pik piripik pik na ginawa & pinauso ko bilang status message. pinag-awayan pa namin yan ni dana, kasi pilit nyang ginagaya tong status msg ko sa y!m. ayun. napilitan aqng magpalit.

heniweiii. nakakapanlumo kasi last session na namin sa MTAP bukas. woooo. wala nakong rason para makaalis ng bahay during weekends. tsk tsk. =)



Melai walked on the sunny side.
7:54:00 PM



Tuesday, December 07, 2004
all i want for christmas is YOU.

naydidaydidayy. tagal ko na ring di nakapagblog. ohohho. dali, magttype na ako. =)

AP: ohohho. nagtsek si ma'am ng outline sa report. samin ata yung pinag-initan nya e. tsk tsk. kasi naman no. parang andami nyang kinorek. pinupunterya kami. jukjuk. heniweii. habang wala kaming ginagawa nagppraktis kami nila amae ng pikpiripikpik habang pinag-iinitan nila pransis si marianne tungkol kei paul. mahaha. bad people. ENGLISH: orange father. sabi kasi ni troilits [dana o!] wala daw si dolly. o di nag-enjoy naman kami, liwaliw sa canteen chuchueverr. tas pagbalik namin sa room o, andun pala si ma'am! homayy. di bale. nakasurbayb naman kami sa present perfect tense. AP: nagdiscuss sila kisi tunkol sa rebolusyong pangkultura. tsk tsk. ang ginawa namin ni dana? nagsulat ng replies kei prana & desa sa letter writing. ahaha. pasaway. pero nawala ko rin ata yung ginawa ko e. grrrr.

badtrip nung lunch. dali, tanungin nyo ko. ohohho. kasi pangalawang beses na to sa tanang kasaysayan ng aking buhay sekenyir na madisplace at maagawan ng table sa canteen. garrr. kasi maraming visiterrrs e. hayy. at least. nakita ko ang aking everdearest MOON! ohohho. dumaan pa sya sa harap & likod namin ni acegap habang hinihintay sila yappy na bumili ng food. WOOO. comment ni acegap? 'matangkad sya.' ahihi. napag-isip isip ko naman, syempre, MOON ko yan e! haha. dapat di lang matangkad yan. matangkad na, pogi pa. san ka?

GEOM: nagpumilit pang magdiscuss si warque. yakiii. nakapang-ilang strike na ba to kei natnat? wahaha. masyado kasing elementary yung proofs ni ma'am hebigat e. i mean, para kay nat. ayun. nabadtrip sya. wahaha. cool lang. huminahon tayooo. BIO: nagdiscuss si ebamari sa room! wai. di ako sanay. heniwei. nakasurbayb naman ako sa light reaction pati sa calvin cycle. keri pa rin. meron pa ngang isang group work na tunkol sa conditions for photosynthesis. akalain mong kumpleto yung nasa handout ko! swerteeee. ELECTIVE (JOURN): nahahayy. nabadtrip din si sir san diego. kasi e, antatamad daw nun port yirs na staffers keia di matapos-tapos yun dyaryo. tsk. nagdiscuss naman sya tunkol sa feature writing. op cors tinulugan ko. asa naman kaiong makikinig aq.

MAPEH: pinagpraktis lang kami ni cresencia para sa carolpest. nyahaha. malufeyy na yung blending ng boses namin, dahil kei amae. tsk tsk. sayang nga't kakagaling lang nya sa surgery ngayon kaya di nya kami matuturuan for two days. WAAAH. ALGEB: nagdiscuss si ma'am model tunkol sa iba pang special products. at dahil sa kakulitan ni nathaniel, natawag pa ni ma'am yun attention namin. WOOO. ayoko ng ganun, napapahiya ka in front of a class discussion. shame.

o di nun dismissal, nagpraktis kami ng pikpiripikpik. nakakapang-elibs yung BaClub boys, kasi nagspecial request sila. sila daw muna yung kumanta. kaya hayun. parang asa lamay kami. tsk tsk. natutuwa tlga aqng presidente ng avo si jolly, kasi she's responsible enough para mahandle kami, though kulang kami sa cooperation. hayy. pero ayos parin! surbayb! =)



Melai walked on the sunny side.
9:01:00 PM



Sunday, December 05, 2004
i keep on falling in love.

ang drama namiiiin! bakit ganito? o sige ha, bigyan ko kayo ng isang sitwasyon. kunyari pinagkatiwalaan mo ang isang kaibigan mo. tapos meron naman syang sikreto, pero ayaw nyang sabihin sayo, kasi bulgar ka raw masyado. anong mafifeel mo? di ba malulungkot ka, kasi iisipin mong di ka na pinagkakatiwalaan ng ibang tao? hayy. nakakaiyak lang talaga.

alam kong ang sikreto ay kailangang itago. e kung hindi naman nakamamatay yung sikreto na parang ikagugunaw pa yun ng mundo, e bat mo pa itatago, db? ano pang sense? kung meron kasi tayong pagsasabihan ng sikreto, dapat isa lang. hindi yung sasabihan mo lahat pero meron kang ioOP na isa. syempre mahuhurt yung isang yun db? hayy. tama na. mas lalo lang akong naiiyak.

sana lang talaga maayos na lahat. ang sikreto, sana, ay maging sikreto pa rin. ü




Melai walked on the sunny side.
12:06:00 PM




catch you when you fall, when you lose control...

hayy. weirdo talaga ngayuuun. MTAP day! ü kaso nga lang wala si larz tas si amae. ayun. medyo cheapyy yung topic namin ngayun, kasi nadiscuss na yun ni ellen. RADICALS. woooo. ayun. halos wala kaming ginawa kundi magsolve. ay meron pa palang iba. tinutukso namin si macmac kei silly beers. kasi nung nagsosolve sa borad si silly beers sabi ni mac, “yan? di ako magsasawa jan!” ayuuun. o di feel na feel naman ni silly beers yung fan nya. YAKIII. ampuge nga e, kase ngayon ko lang nalaman yung conjugate sa radicals. galiiing. walang ganyang si casingal! lufeyy. buti anjan si ma’am senador. sya ang aking palaman sa tinapay, sim sa celfone, ngipin ng suklay, sagot sa exams, ang pugeee! =) mejo maaga nga kaming nadismiss dahil sa kacheapan e... mga 11am. hayy. iba na ang malufeyy. ü

o di diretso kami nun sa school para sa “practice” sa carolfest. e tomguts na kami to the max, kaya nagkasundo ang MTAPers ng avo na kumain muna tas bumalik naman ng 12noon. kumain ang BaClub sa BK ü [yay! Bucalig-Kristian!]... halatang yung boys e nagtitipid, kasi kokonti lang yung tsinibog nila... except kay kristian, kasi daw maysakit sya. hanyaaan. kuleeeyy. tas o di bumalik na kami. naaliw kami ni yap sa mga di gumagalwa na escalators sa SM, keia magpretend kaming bumababa kahit nakatigil lang yung escalator. ahahayy. iba na ang praniiing. ü

tas nag-usap usap na kami tungkol sa carolfest. napag-usapan namin na yung mga kanta e “christmas is all around me” tas yung kantang bago pero pangkrismas ng sexbomb. di ku alam yung title e. oyesss. puge ng avo. tas prinoblema namin yung kostyum. sa boys, jinologs namin yung dating, tas sa boys, ala-sandara, basta dyapanis ang dating. para malufeyy. ang gigiting talaga namiiin! ü

ayun, e di rumagasa kami sa sm para magcanvass “kuno” ng ng kostyum. mejo mamahalin yung pleated skirt, pero keriiii pa rin yan. praning. tas ako, si ace, dana & meme e naglibot sa buong sm. actually si ace lang yun. wahaha. pumasok sya sa iba’t ibang dress shops para tumingin ng christmas costume. tsk. kami naman nila dana & meme, katulong nya sa pagpili. hindi nung susuutin ah, pero nung shop na papasukan nya. pinipili namin yung may upuan para makapaglamyerda kami. gitiiiing. ü so far ang shop na may pinakamagandang upuan e yung sa petit monde. maganda sana yung sa kamiseta, kaso nga lang di kami nakaupo dun e. ü

teka, nakwento ko na ba yung ginawa ni dana sa yrys? kasi ganito yun, o di tapos na kaming tumingin. e unang lumabas si dana. akalain mong yugyugin yugn laram dun sa may entrance ng shop. ayun, nung dumaan kami ni meme, biglang tumunog! woooo. kinabahan ako dun, kaya pumasok ako tas dumaan ulit. di na tumunog. hayy. feel na feel ko nun, magnanakaw talaga ako. wahaha.

ayun, tas nagdancemaniax kami. ampugeee talaga ng araw na to! kasi bawat laro ko e S ang nakukuha ko. may peburit na ako sa maniax. butterfly, doodah, summer mix pati in my dreams! sigurado, sa mga yun, bawat nilalang e mafifeel na batas sila sa maniax. ahaha. nalaman kong mei iba-ibang style kami ng paglalaro sa maniax. si ace, gumagalaw yung pwet. si meme di ko lang alam. basta magaling yun. si dana naman namamalo habang nagmemaniax. ako naman, mahinhing matamlay. oyesss. minsan ko lang purihin sarili ko. tsaka minsan lang ako masabihang mahinhin. moment ko to! ü

biglang bumulaga samin yung text ng BaClub boys, tinatanong kung uuwi na daw ba kami. ayun, sinabi naming puntahan nila kami sa worlds of fun annex. tsempong nagkasalubungan kami sa gitna ng annex & main. ayun. BaClub reunited. pogiiii. =)




Melai walked on the sunny side.
12:04:00 PM



Friday, December 03, 2004
how could you say you love me?

hayy. wala na namang pasok. at eto, mantakin mo. NATIONWIDE. parang supertyphoon na kasinlaki ng philippine archipelago. parang national holiday sa pinas. parang kasinghebi ng us elections. woooo. PRANING talaga.

mamamantak nyo bang napakabait at napakatino kong nilalang ngayon? OO, mga kaibigan, tumino na si karmela mariz francia ngayon. for one thing, burtdeiii ni papa kevin alexander clark. WAAAH! 16yrs old na sya. ako magkakatorse pa lang. hayy. di bale, age doesn't matter. nyahahayy! =)

isa pa, nagpapakaGC na ako ngayon. wahaha. sa puntong to, nagtatype ako ng project sa geom. ano ba yan? GC pa ba yan o ano? wahaha.. sabi ko senyo PRANING ako ngayon e. hay. ang tanging kasama ko lang ngayon e sila pareng moise and downs, nakikipag-usap tungkol sa postulates at theorems nila sa geom book namin. wahahayy.

masarap pa lang talagang magpanic buying. oo, pramis. para kang nagccram para sa isang schoolwork. yun tipong lahat na e nagugulantang dahil nagmamadali silang baka mahagip ni supertyphoon yoyong with a speed of 185 kph. ahaha. yan ang nagagawa sayo ng masyadong pagbababad sa radyo, habang pinakikinggan ang tunong ng nagliliparang yero, takatak ng tubig-ulan at pageexag ng reporters kesyo kasintaas na daw ng bahay yung baha. nako, ASA. tamo 100% praning na ako.

balik tayo sa panic buying. kahapo e nagpanic buy ako sa SM. di pagkain yung pinunta ko dun, kundi para bumili ng gift ko para kay Merchant of Venice. wahaha. masyado ko na syang minamahal, na kahit bagyo e sinasagupa ko para lang makabili ng regalong tagsisingkwenta pesos. nyayy. PRANING.

pero totoo, nagpanic buy kami. sa price smart. bumili kami ng rotisserie chicken, veggies tas kung anu-ano pang kaeklayan. nasayangan ako dun sa chocolate chip muffins na dapat e papakyawin namin. hayy. akalain nyong sa gabundok na binili namin, nakalimutan naming humakot ng kandila? wahahayy. iba ang ang nagpapanic. heniweiii, habang nagbabayad ang ama ko, kumain muna ako ng pizza dun sa smart bar. homayy. tunay na matatakaw ang amerikano oo. kasi, single serving nila parang XXXXL na ng greenwich o kahit anong local na pizza parlor. homayy. onga pala, nakakita ako ng isang artista dun. si maureen larrazabal. mukhang mabait, pero nung naggrogrocery sila, mukha syang gusgusin. oi peace ah. kasi, ni buhok na di nya maayos. pero disente naman sya tingnan. may sabit nga lang. wahaha.

hayy. MTAP na bukas! may "pasok" na ulit! tsk tsk. kung kelan naenjoy ko yung suspended classes e. hayy. malas di MTAP si moon. tsk. miss ko na sya. pramis. [oo, desa labs, miss na kita.] yayy! mejo nilalagnat ako ngayon, pero wala lang yan! keri parin bukas. basta si MOON naiisip ko. ahaha. senti. yah, sige na, PRANING na ako. =) minsan lang to.



Melai walked on the sunny side.
9:07:00 PM



Thursday, December 02, 2004
eventhough it seems I have everything...

wahahayy. WALANG PASOK NGAYON! weeee. kasi kesyo may bagyo ~slash~ supertyphoon daw. WATEBERR. makulet din DepEd no? sana walang pasok bukas. ahaha.

hokeyy. di ako nakapagblog kahapon, kaya i'll make share the happenings malufeyy. PINOY: naglesson kami sa tanaga tas sa haiku! alangya, english yan ah! heniweiii. akala ko talaga ambababababababababa ko sa perio sa pinoy, buti na lang tinanggal yung sequencing of events! akalain mong naka 74/90 ako! WOOHOO. asensado. ENGLISH: gumawa kami ng iskorshit ngayon. pasalamat na lang talaga ako kasi andaming corrections ng papel ko sa perio! buti nakapasa ako sa score na 85/100, at aba, dahil sa kabaitan ni binas e pag natransmu to e di 93! ampugeee! natutuwa talaga ako sa scores ko sa english, except sa quizzes. pahamak kasi yang adjective clause e. kadiwwiii. 87 lang tuloy ako. tsk tsk. oh well.

COMPUTER: wala nyaaan! kasi wala na si ma'am bustria e. WAAAH. e di early lunch. wakekekk. LUNCH: gumawa kami ni amae ng presentation para sa PE. nung una, balak naming gamitin yung escape ni enrique iglesias, kasi since 4/4 time sya, pwedeng ipagkasya ang 3/4. pero kaderder parin e. o di naghanap a ulit kami. finally, ginamit namin yung trouble ni pink. hayy. makuliiiit. GEOM: nakuuu. walang surprise quiz si warque. nagdiscuss sya ng theorems chuchueberr. at may bagon syang puso: ang cancellation law for addition. wooo. dakila. tapos pag merong isang linear pair, gagamitin pang reason e construction. HALERR. tsk tsk. panalo ang palusot. oist cheesemax. si warque daw e galing pisay. tsk.

BIO: naglesson kami tungkol sa photosynthesis. YAKIII. may assignment pa sa meanings ng energy carriers. tsk tsk. ELECTIVE (JOURN): meron ba talaga elective na ganyaan. tumulong na lang kami sa math club (angle, nat, xtian, pransis) na magbalot ng coins. wahahaha. KARIR. galiiing. BREAK: sinulit namin tong precious breaktime namin para magpraktis sa PE. masyadong mabilis yung kantan namin kaya napilitan kaming nagbago ng song. nagkataong nadala ko yung album ni Lara Fabian. e meron dun radio mix ng I Will Love Again. ayos. problem solved. ALGEB: haha. si miss matangkad ang bago naming teacher. si miss bucalig. woah. magaling syang magturo, pero tulad ni warque, ang strict nya, yakiii. hayy. minsan na nga lang ako magrecite tuwing algeb, saka pa na ko di tinatawag. meron narin syang mga kalabteams. si pransis, raymark & xtian. bale BT, BK, pati RnB. galiiing.

gash. bagong blog na pala to no. ahaha. sa mga ka-l/e ko: pakipalitan na po yung link ko, paki-direct na po dito... salamat po! hayy. kahit umiikot ka sa ibang mundo, ikaw parin ang nag-iisang MOON ko. miss ko na MOON ko! oi comment kayu ah. salamat po!



Melai walked on the sunny side.
8:20:00 AM




eventhough it seems I have everything...

wahahayy.



Melai walked on the sunny side.
8:20:00 AM