http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Friday, October 28, 2005
I learned to play on the safe side so I don't get hurt..

waah. grabehan talaga yang because of you ni kelly clarkson. patama ba ito? woosh. :)

at syempre, dahil wala akong mapost, nagbukas ako ng sandamukal na blogs. at poof. nalagay sa url na http://gudgirlako.blogspot.com. blog ni dana. at napag-isipan kong pagnilay-nilayan ang recent post nya, na tamang tama sa sitwasyon ng buhay ko ngayon. :) hahahaha.

goodbyes make you think. they make you realize what you've had, what you've lost.. and what you've taken for granted. they make you realize that sometimes, there are no next times..

eto daw yung status msg ni joyce na nagpatama kay dana at tumalbog rin sakin. oh db. :)

goodbye. napakadaling sabihin, pero napakahirap gawin kasi nanunuot sa damdamin. lalo na sa buhay pag-ibig. at mas lalo na kung hindi pa talaga dapat matatapos ang lahat sa inyo. as in andun pa ring yung nararamdaman mo, at hindi ka pa handang kumawala sa kanya pero kailangan. it's now or never. :(

masakit mang isipin, pero hindi yang 'goodbye' na yan ang tatapos sa lahat-lahat. magpaalam ka man sa kanya, di mo pa rin siya maalis sa damdamin mo. tumingin ka man sa iba, siya pa rin ang makikita't hahanapin mo. kahit ba sabihin mong everything's over e di parin sapat yon para masabing 'everything really is over'.

tama nga sila... sa goodbye mo marrealize ang lahat. you'll never how much a person matters to you until he's gone. dahil totoo. saka lang babalik sayo ang lahat ng nangyari sa inyo, at saka mo lang din masasabing, "sana pala.." ganito ganyan. napakaraming dapat na nagawa, pero huli na ang lahat. kung dati puno ka pa ng pag-asa, biglang nauwi ang lahat sa wala. kumbaga rejected. ignored. denied.

sometimes, there are no next times. bibihira na lang sa panahon ngayon yung love is lovelier the second time around. usually kasi, kahit second time, pinagkakait pa. :( hindi mo na mababalik ang lahat ng kinasanayan mo. andyan sya ngayon, at baka bukas o makalawa, wala na sya at hindi na babalik pa. hindi sya exam na pwede pang bawian. it's the million-dollar thing. :( patay ka na lang if it comes too fast. pwede syang mawala at magsawa ng ganun din kabilis.

huwag na tayong umasa sa next times kung ayaw na rin lang ng tao't may pinagbabalingan ng iba. ika nga ni mandy moore, "one sided love is never gonna work." kaya kahit ikaw na ang pinakasantang martir sa mundo, ikaw ang pinakalugi kapag lahat ng efforts mo ay di sinusuklian ng mahal mo. oo nga, kuntento ka na sa ganoon, pero at the end of the day, ikaw pa rin ang loser.

hay nakow. hebi ang drama. :)



Melai walked on the sunny side.
1:02:00 AM



Friday, October 21, 2005
don't you wish your girlfriend was... me?

haha! ang kulet nung kanta! :)
sembreak na. isa nanamang pagtatapos na muling magbubukas ng panibagong mga pagkakataon. ito rin ang panahon ng pagkalimot sa nakaraan, paghilom ng mga sugat ng puso at pagbubukas muli ng pusong handang magmahal, masugatang muli at matuto. :)
ay kay senti! :)
sembreak mga kaibigan! tayo'y magmahalan! :)
+++
marahil ay masasabi ko na ngayong naghilom na nga talaga ang mga sugat ng lumipas na pag-ibig... sugat na pilit nagpapaalala sakin ng aking mga kamalian. buti na lang, napagtanto kong hindi lamang ang mga tulad niya ang karapat-dapat na ibigin, kundi napakarami ko pang maaaring makatagpo ng landas upang makipaglabing-labing. :) syete, salamat kay pacquiao.
haha koneksyon? :)
+++
ang saya talaga ng last day of classes before semestral break. lahat ng teachers tinatamad na. :) sobrang iilan lang yung nagklase. una, si papi. syempre quiz muna, tas onting discussion. ano ba, di ako nakikinig dahel sa trigo nokbok! :) and ispiking op da math, nagfirst part kami ng perio kanina. dyahe talaga. wish ko lang pumasa me. (haha txt lingo!)
ay tapos pala yung english. naglaro kami ng playing cards. :) guess the missing card kuno. ang ganda ng times namin da best. famatay. :) oh anyways, sir jack cut classes nung ap, kasi nag-uusap ang avo tunkol sa varsovienne. haha! at elektib, GOOD LUCK BIOCHEM-ERS! hehe. waaah happy birthday pala sir sd! :) sarap nung jellyace. *kablam*
chem.. nagcheck kami nung problem set. :) walang researrrrch! haha. lab ko na si miss carmona impyernes. :) at stats. sabi ni sir kung ayaw daw namin makinig sa kanya, e di wag, pero minu-minuto lagi siyang nagmamakaawang, "class, listen please." ANG LABO MO SIR! :) oh anyhow. na-gets ko naman yung integration na tinuro nya eh. kaya naman, binasa na lang namin yung mga sagot ni ace sa pinoy. kagimbal-gimbal talaga. ever.
walang pinoy at mapeh. fast forward tayo sa beegee tripping. :)
NAGPUNTA KAMI NG CIRCLE C! syempre pa, ang solidong gala e kasama: si meme, ace & melai, at isama mo pa si anna & cherry. *nakow larz, di ka belong.* bumili muna kami ng cd-rs, kasi mura. haha! :) tas dinner sa chowking + kiss at nagchikahan. at nabitin pa talaga kami. itutuloy namin yon pag ginawa na namin yugn stats! haha. :)
hmmpf. may MTAP pala bukas. okies. :) gtg.



Melai walked on the sunny side.
9:32:00 PM



Saturday, October 15, 2005
summer has come and passed. the innocent can never last.

LSS: Wake Me Up When September Ends - Green Day

***

pagmamahal nga bang talaga, o masyado lang akong nadadala?

pagpasensyahan nyo na kasentihan ko. :) carried away lang ako sa mga recent events sa aking buhay ngayon. WAKE ME UP WHEN SEPTEMBER ENDS TALAGA! :(

alam ko naman eh. darating at darating yung puntong ganon. sana lang nakapaghanda ako ng mas mabuti. kasi, isang saglit lang na nabaling yung atensyon ko sa iba, biglang POOF. i became koko crunch.

joke lang.

iba yung feeling eh. tumatagos. tapos grabehan pa talaga yung mamatahin kang ipamumukha sayong ika'y isang tumataginting na LOSER! haha epek. :) wait ka lang.

sana pala hindi ko na siya tinugunan. sana e hindi na lang pala ako nagpumilit sa iba. dati-rati kasi, alam kong lagi ka lang andyan. nagmamatyag, nagwawalang-bahala. kaya mas pinili kong mahumaling sa kanya. di ko makakailang sa iba e hinahanap pa rin kita. pero ibang tao yun, ano ba naman sayo? masaya ako sa kanya. masaya ako sa piling nya, kahit itanggi namin to sa isa't isa. masaya ako... nung panahong iyon. tas ngayon, malingat lang ako, aalis ka na. papalayo ka na, kasama nya. di ka man naghihintay, sawa ka na sa isang bagay: ang maramdamang may nagmamahal sayo.

kung alam ko lang talaga. :( kung sana'y naging bukas ako sa kung anong isinisigaw ng puso ko. sana'y kahit minsan e tinuruan ako ng Diyos na lumandi, sa isang magandang paraang di makakasakit ng iba. Lord, kung pinanganak lang ako na malakas ang loob, di sana ako nagdurusa ng ganito ngayon.

break it to me gently. hindi yung ura-uradang wawasakin mo ang mga pangarap ko.
napakaraming sana't dapat nagawa ang ganito, ganyan... pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mababago ang nangyari na.

tanungin man nila ako ng, "oh melai, ok ka lang?" syempre si melai ako. palaging nakangiti't tumatawa. walang lugar ang depression sakin. si melai, senti? asa pa. at ang melai na sagot, "oo, marami pang iba dyan..."

oo nga. marami pa talagang iba dyan. pero unti-unting nanunuot ang poot ng puso, nagsasabing, "mapapantayan kaya nila ang sakit na dinulot nya?"

haay. sana nga mapantayan nila.

***

oo nga't nagdurugo ang puso ko ngayon, pero salamat na lamang sa mga pilit bumubuo muli ng buhay ko.

+++++++++++++++++++++++++++++++

tama na nga kasentihan. wala naman akong mapapala e. :)
nagpapichur pala kami. mga members ng ysg. :) hehe. :)

wahaha. walang chem enrichment, tas nagdiscuss si sir ian ng projectile motion. :) at namiss ko pala si tsong-pare-dude-tol-kabeegee yappy. dapat kasama to sa pichur eee.

ay hinde. nagdiscuss si sir sb. diniscuss nya yung sa tshirt namin. :) ang kyut nung asa likod, "i am born to be... i am meant to be... i am a member of the YSG..." tas dinugtungan ni kan, "...mga alagad ni ian & sb!" yun eh! :)

kelangan ko na matapos tong "proyekto sa SIPNAYAN 3...", ika nga ni chito. haay. :)



Melai walked on the sunny side.
11:02:00 PM