Saturday, December 31, 2005
only you can make the darkness bright.
2005. isang taong parang isang higanteng kumakalampag na rollercoaster (salamat sa term, kuya myke), punung-puno ng mga loops ang daraanan. maraming pagsubok at tagumpay. maraming pagkakaibigang (at pag-iibigang) nabuo at nabuwag. maraming pangyayari ang nagpatibay at napgpahina ng samahan.
ngunit ano pa man ang naganap sa taong nagdaan, tayo'y taas noong makakapagsabing ang taong 2005 ay opisyal na watusi-free year. kay ganda.
yeehah! nagsosyalan na rin ang mga paputok na hinahawakan at pinapasabog ko ngayon. mula sa chipiping watusi, tayo ngayon ay nagtapang-tapanga't nakapagpapaputok na ng piccolo (pikpakbuuum!), lusis, roman candle at yung-butterfly-este-tutubi-shaped-na-sumisirit-sa-ere-na-parang-dugo-sa-blood-letting. haay, kaloka.
anyways. eto, ang aking sana'y-matupad-na-this-year na new year's reso list.
New Year's Resolution