http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Sunday, December 11, 2005
parang walang katapusan.

ay. nagbalik blogging nanaman me. :)

adik sa rubix. haha. ang sarap talaga magpakahenyo sa rubix, sinasabi ko sa inyo. :) ganito kase. after mtap yon, kakatapos lang naming magdmx, tas pauwi na ako. as usual, sasakay ako ng jeep. :) e habang nagttravel yung jeep, nagrrubix ako. syempre lahat ng mga pasahero todo tingin sakin, at syempre feeling super henyo naman ako. :) tas yung katabi ko pa, sabi...

manong: iha, ano yan?
ako: rubix cube po.
manong: kaya mong buuin yan?
ako: siguro po...

grabe yung pa-humble effect pa eh! :) anyways, o di ayun, in a matter of minutes, buo ko na sya. (yabang mo! di ka pa mamatay!) o di hanga naman ang katauhan sakin. :) why not talaga. :)

sayang at di natuloy yung plano namin ni ace na pagrrubix sa metro manila praisefest. :) magpapakahenyo ulit dapat kami eh. :) wasted naaa.

usapang pag-ibig. pano ba ang feeling ng magmahal sa isang taong di mo kilala?

maeexcite ka bang makita sya ng harap-harapan? o mas pipiliin mong di na sya makilala dahil ok na sayo yung sitwasyong ganun?

wala lang. na-curious lang ako. di ko kasi alam kung ano na ang nararamdaman ko ngayon eh.

usapang pag-ibig part 2! eto nakuha ko sa profile ni wiyo:

a smear of thought: parang coloring book ang buhay nten.. una, wla pa kulay.. pero mron at mron din tao na ddting at pupunan ng colors yung mga drawing.. dhil dito, maggng makulay ang atng mundo, at tiyak na maggng msaya 4ever..

ngunit mnsan, mron din yung npapadaan lng para kulayan tyo ng phapyaw at pnandalian.. cguro sa una, mkukulayan niya yung frst pge ng coloring book.. pro pgdating s scond pge, wla cya nung crayon na nirrquire nung drawings.. it means, ndi cya nrarapat pra pntahan ang yong mundo.. cguro aakalain ntin na cya na nga ang ttapos sa kwnto ng ating buhay, ngunit sumaglit lang tlga cya..

iisa lng ang taong tinadhana sa bawat isa sa atin.. kung cno man cya, cgurado n ggawn niyang totoong makulay ang atng mga buhay, wlang kulang, at lumalabis pa.. kung meron man nauna sa kanya sa pagkulay ng coloring book mo, uulitin niya un, ireretouch baga, at tatapusin ito ng mganda..

tama nga. ang ating layp ay isang coloring book.

di pa ako marunong magkulay non. pero tinuruan ako ni periwinkle blue (pasosyalin natin ang colors). mahaba-habang panahon din kaming nagtutoran sa pagkulay... 3 taon din akong nagpatutor sa kanya... hanggang dumating ang time na magtuturo na sya sa iba...

at ng tingnan ko ang aking coloring book... first shading pa lang nagagawa nya... buti nalang yung shading, nakapencil. madaling burahin... madaling limutin.

siyang dumating si vermillion green. hanggang ngayon, tinuturuan pa rin nya akong magkulay. paunti-unti, nireretouch nya ang aking coloring book, ng di man lang nya nalalaman. sana matapos nya kahit yung sa first page. yun lang, kuntento na ako.

at eto, si viridian red. hinahanda pa lang nya yung mga crayons para gamiting pangkulay sa aking coloring book na pilit nyang hinahanap. sana'y hindi ibang libro ang magustuhan nyang macoloran.

ay impyernes. ang ating layp ay isa ngang coloring book. :)



Melai walked on the sunny side.
10:31:00 PM