Wednesday, January 25, 2006
time out muna tayo.
grabe.. lahat na talaga ng kabusyhan nasa avo tres ngayon.una, OFF-CAMPUS NGAYOON. ay ganda talaga. sana may ibubunga ang aming pagpunta sa UP. hayy.. ang lakas ng pressure! :)
secondly, LES MISERABLES.. syempre kelangan gandahan, dahil si gwapong sir mark, may pagkaperfectionist.. sobra kasing talentado.. ang hiiiiiiiiiiiirap maging trying-hard dancer ever.. ang sakit sa fats.. haha! :)
pangatlo.. grabe nisingit pa talaga to.. bat pa kase may ganito.. yung MUSICAL PLAY sa noli.. hayup.. pwedeng iba namang project basta wag lang play.. andami na kaya naming isstage this week.. tapos dalawang separate groups pa yan.. so ano yon? ka-hectic-an talaga. hayy.
fourth.. yung TRAGIC/COMEDY PLAY sa mapeh na ivvideo.. buti nalang to, ivvideo eh.. kesa naman yung pinagpipilitang live.. hayuuup. kaso nga lang hanggang ngayon, di kami makapagdecide kung ano ba talaga yung play namin.. romeo & juliet or antony & cleopatra..
last/s.. haha.. yung mga singit-singit pang requirements.. tulad na lang ng long test ni sir bac sa world war i, e di pa naman sya nagtuturo! hayup, makapagbigay lang talaga ng magagawa eh.. tapos yung quiz/recitation ni sir box sa solubility.. hayy.. nakakaloka.
AYOKO NA TALAGA. todo planning.. pa-late sa school.. cramming.. hayy.. buhay terd yir nga naman.. di bale.. pampapayat to. ahaha! :)
Saturday, January 21, 2006
you make me so excited, and I don't wanna fight it..
4 months pa lang nagkakasama-sama ang Baclub. Pero sa 4 months na yon, parang ang dami na naming nadiskubre sa isa't isa. Trese ang Baclub sa Avo2, meron din kaming extensions na si Zid ng Curie2 at si Blessie ng Ed2. Yan. Bale kinse lang ang Baclub kung bubuuin w/ extensions. Kung gusto mo sumali, may initiation. Di basta basta ang pagsali sa grupong di rin basta basta. HAHAHA! O bago niyo ko sabihan ng mayabang at bigyan ako ng nakakawindang na codename, magsspetch na ako.
Napag-usapan namin na Larz yung tungkol sa Baclub kanina. Wala lang. (Sa mga sandaling ito, humanda ka na para sa isang Taglish marathon.) Namamangha lang kasi ako kung pano atsaka bakit nagkasundo kaming lahat. Kung iisipin mo ang Baclub ngayon at yung dating kanya-kanya, di mo aakalaing makakapalagayang-loob namin ang isa't isa. Isipin mo to: may mahilig magmura tapos magastos, may baklang babae, may matipid at tahimik, may patapon at may GC, may beauty and the beast, war versus Math and English, may musikera't may rakista, may basketbolista, may mayabang, may mahinhin, may lalakeng-babae, may laging tulog, may gwapo, may panget. Ako na yung panget. Mwahaha. Pero nagkasundo kami dahil sa LCM - isang common denominator - at lahat yan nandito sa pautot kong 3 Things I Love About Baclub.
3 THINGS I LOVE ABOUT BACLUB
1. Maloko kami. TAKE NOTE: Hindi kami masama - maloko lang. Malakas ang trip for short. We do things for fun, but it doesn't come to a point na nakakasakit kami. We see to it that whatever we do, wala kaming nasasagasaan. Not unless talagang karapat-dapat durugin yung elementong yon..
2. We were AND are able to influence each other in a clean, positive way. Etong kasong to, totoo lalo na sa mga lalaki. Isipin mo, (STRIKE 1!) dati si Natnat ayaw niya sa lovelife. Pero nung naging Baclub yan, natutong magmahal yan.. (STRIKE 2!) dati si Francis walang pakealam sa mundo atsaka bihirang ngumiti. Pero nung naging Baclub yan, natuto yang maging mabait sa lahat (lalo na sa Baclub girls. MWAHA!) atsaka natuto yang ngumiti at Baclub lang ang nakapagpapayag sa kanyang magpa-picture! Isa pa, dahil sa Baclub kaya pumayag siyang maging madumi pag naglalaro! (STRIKE 3!) dati si Kristian di nag-iinternet kasi laging subsob sa aral. Pero ngayon, isa yan sa mga moderator ng 07 forums. (STRIKE 4!) dati si Larz di pa marunong ng tweetums yan.. pero ngayon.. (STRIKE 5!) dahil sa Baclub, yung mga lalaking walang pakealam dati, nakiki-cheesemaxx na ngayon! ..at nababagabag pag may hindi sila alam! YON ANG MALUFEYY! GC kami kung kinakailangan, pero pag hinde, mas gusto pa naming maglaro. At speaking of laro..
3. Touch ball, BakaBaka, Tug-Of-War! Eto ang mga national games namin sa Baclub. Walang kemekeme - magluluksong-baka kami, KAHIT NAKA-SKIRT! Walang pakialamanan kahit sumabit yan.. PAKE NIYO BA? hahaha! Magkapasa-pasa na, Basta makatalon lang ng maayos! (Swerte ng mga girls dito. Bago ka tumalon, asahan mong sa kabilang dulo e may Raymark, Francis at Natnat na naghihintay na saluhin ka just in case maaliw ka sa kakatalon at makalimutan mong naka-skirt ka pala.) Sa touch ball din swerte ang girls. Tatlo ang buhay tapos sobrang partida, pwedeng tamaan sa skirt, blouse o hair. Pag lalaki, isa lang ang buhay, matamaan lang sa pants, out na. DI BALE. Di hamak namang mas bano kami sa mga lalaki. Hehe..Woo. Wala lang. Kanina nung nag-uusap kami ni Larz napagisip-isip ko sa sarili ko, "Shyet, ang swerte ko pala kasi nakilala ko tong mga ugok na to. Iba siguro ang buhay ko ngayon kung di dahil sa kanila." Nyahaha.. Sila lang naman yung nagpapasaya sa antuking tulad ko. Kaya mahal ko yang mga yan e.. Kasi binigyan ako ni KanKan ng dalawang Toblerone kanina. WAHAHAH! =)
Wednesday, October 27, 2004
Sarado parin ang puso ko. Si LACOSTE parin ang laman.
Uy, alam niyo ba absent si Kristian anakis ko ngayon. Waaaaah! Walang partner si Dana sa computer. Ang landi tuloy naming dalawa kanina. Ang ingay ingay pa namen. Mwahahaha. Atsaka kahit para mukang tuod si Kristian nakaka-miss yung dimple niya pag absent siya. WAAAAAAAHH! May lagnat yung anakis kooooo!!
*****
haay. grabe. kung dati, nakakapaglaro pa kami. mukha pa kaming mga paslit na pinagkaitan ng pagkabata.
sobrang nakakamiss din pala no? yung kumakain kami sa iisang table, ngayon hindi na, yung elective ng iba, nagiging break na.. *ehem, biochem? journ?* linear lang yata ang elective eh.. tsaka di narin kami magkasya sa iisang table, andyan na si anna eh. peace tayo anna ko! :) yung magttsismisan yung beegees, tapos makikusyoso din ang lsat.. minsan talo pa nga nila kami sa pananagap ng chismax.. yung maya't maya magpapastudio pic kami, tas after, magmmaniax.. kumita na kase dmx samin eh.. mabenta nalang yon sakin tsaka kay cherry..
tingnan nyo ngayon.. di na kami masyadong nagbbonding dahil napakarami ng mga gagawin.. contests, reviews, trainings, exams, projects.. lahat na ata ng kabusyhan napunta na samen eh. hayy naku. sadyang nakakamiss. at isa pa, nawalan pa kami ng isang kapamilya. aruuu..
grabe yung dati, magkalagnat lang si kristian, sobra na namin sya kung mamiss. ngayon, mas lalo pa ata. di bale.. makikita namin sya sa wowowee. nyahaha. :) joke lang. :) pero seryoso, hindi lang si kristian ang namimiss ko ngayon.. pati na ang buong BaClub.. as in yung buo kami.. as in yung hindi namin sinasagasaan ang isa't isa.. yung walang bentahan.. yung magkakasama kami sa landian, tsismisan, joke time.. sa lahat.. yung hindi na namin kailangang magkaron ng problema over and over again..
nakakamiss. nakakainis..
*****
tama na ang sentiness. :) oras na para magkwento tunkol sa perio. :)
ENGLISH `` ok lang naman. kaso napakaraming babasahin.. puro ata poetry interpretation yon eh. haha.
TRIGO `` medyo madali siya.. nung chineck nga ni sir lorenzo, 49.5/50 ako. potek.. talagang pinagkait pa yung 0.5, nagkamali lang naman ng sign ah! nakakaines. tapos sabi ni sir.. hindi daw nya irround off sa 50 yon.. asarrrrr.
AP `` napakarami kase ng immemorize, ngangarag tuloy utak kooooo! pero impyernes, like ko sya, kase yung mga hinulaan ko, tumama. loko!
PHYSICS `` nakakaloko syempre.. palagi naman yan eh.. salamat nalang talaga kay Lord, nakapasa ako.. 34/50.. ang passing score yata 32.. ang saya! love ko na talaga physics! nyahaha.
STATS `` hayy nako. whatever talaga gumawa si ma'am belisario ng perio.. mali-mali yung ibang z-values.. nakakaasar! tapos, nabobo ako dun sa last question.. hayy nako.. ano pa ba ang kapalaran ko sa stats? syempre, failed yan. hehe.
MAPEH `` medyo madali lang din.. kaso, nagkamali pa ko sa gong chimes chuvaling.. nakakaasar.. parang wala akong minemorize.. waaaaah.. di bale.. it's alright.. at least tapos na. haha!
ELECTIVE [JOURN] `` ano pa ba ang perio sa journ? syempre, gagawa ka ng article.. hehe.. pineste ko lang nun si jihad eh.. haha.. pero buti nalang.. tapos na perio namin sa elective.. kase, yung ibang elective people, di pa nagpperio.. hehe..
CHEM `` nakakainiiiiiiis! ang hirap grabe! ayoko na. chem pa naman.. e loves chem ako eh! haha.. 40 items nga.. napakarami mo pa namang issolve.. ay nakoo.. dehado na ako dito sa chem ah. waaah..
PINOY `` sa tanang pagtuturo ni ma'am moreno samin, eto yung pinakamadali nyang test.. hehe. ang saya, kase di ako nagbuklat ng noli nyan.. partida pa talaga.. *tapos biglang bumagsak eh! haha.*
RESEARCH `` ayun.. masaya sya.. dahil magi-interpret ka lang ng graphs chuvaling.. pero di ako sigurado dun sa last part. hayy. sige naaaaa.
kelan pa kaya ako makakabawi sa grades? *itong gc ang nagsasalita.. hehe* oh my gulaaay. nikakabahan na ako.. tapos puro projects pa this week.. matapos lang talaga tong week na to pwede na akong mamatay. nyahaha. JOKE LANG! :)
*****
grabe.. ang sarap kasentihan si kc. :) syempre sino pa bang pag-uusapan? si ian syempre.. grabe.. tumawag pa pala sya kay ian one day before sya tsumupi.. tas.. hayy grabe.. pati phone ko gustong inenerzz ni kc.. kasi ang theme si ian.. loka loka talaga.. hayy. bat kasi di nagpaparamdam si ian? awol agad.. umalis na nga eeeh. akala ko ba he'll keep in touch? *grabe, nagalit talaga eh.* hayy nakuu.
Monday, January 16, 2006
i'd give it up and share the pain with you..
Friday, January 13, 2006
you're my shooting star.
haaay. ang sinumpang panahon. january 16, 2006. monday. 0900 hrs. sa ngayon, ayokong isiping lumilipas ang panahon. i don't wanna let time move even a single bit. i know some things will be put to an end, but i had hoped something as never bitter as this.
sa totoo lang, di ako sanay na magpapaalam ako sa isang kaibigan. lalo pa yung naging malapit sakin. ayoko.. ayokong isiping haharap ako bukas ng wala sya.
pero ganun talaga ang tadhana, sadyang mapaglaro. you just have to go on with life, as if nothing had happened.
sana hindi na sumapit ang january 16. ayokong umalis si kristian. pero wala naman akong magagawa don db?
Wednesday, January 11, 2006
watch them run amuck, catch them as they fall...
... and now i 'ave deserted reality and sunk into me old blogging days. (forgive me if i speak a tongue quite foreign to what you have always spoken, i forbid myself to be such a biatch at times.)mommy! bilhan mo ko ng french accent...
tell you what, i'm in front of a nasty history book that's full of Industrial Revolution dung i can't even understand. oh hell nooooo. i'm stuck with perry.
and escape those disgusting yet fanciful thoughts on loads of duuuuung. i'm reading a fanfiction right now. oh yeah. a HP fic. goodness knows what i am up to.
mommy! i wanna french accent.
isipin nyo, napakagaganda ng foregin names. kay bongga bongga talaga. magnon. cosette. eponine. grantaire. those types of names with all the silent letters. stupidity. imagine, kung may ganyan akong name. SOSYAAAAAL! hehe.
mommy. buy me my french accent. now.
Friday, January 06, 2006
one more day on my own...
my seven deadly sins.
Greed: | Medium | |
Gluttony: | Low | |
Wrath: | Very Low | |
Sloth: | Medium | |
Envy: | Medium | |
Lust: | Very Low | |
Pride: | High |
take the seven deadly sins quiz
*****
waaah, at the past hour i have gone addicted to one day more from les miserables. ang titinis ng boses! ayaw magpakanta! *faints*
ow, and i'm printing our script for the musical play in pinoy. may practice tayo mamaya. (mamaya coz technically it's 2:21 am on the sixth of 2oo6. wow.)
napaka-gluttonous ko pala. ngayon ko lang nalaman. does that have to mean that i'll cut off my food supply everyday? *fatsooooooo.* oh yeah. right.
prom na! prom na sa feb24! yeehah. impyernes, it's so late, and not to mention, cheap (may accent sa e). smcqc will have their prom on jan27 (yata) sa manila hotel. and would ya believe it, pisay's having their prom sa shang!
pano na tayo? napag-iwanan ng panahon? i's wish we'd have a nicer venue. pero if worse comes to worst, ok na. at least nagprom pa. at kesa sasayaw tayo sa ilalim ng buwan at the comfort of our covered court.
shit happens. period.
ok, ok. i've got to sleep. my hormones tell me so.
Wednesday, January 04, 2006
may tatlong bear sa loob ng isang bahay.
impyernes, namiss ko ang aking beegee and lsat friends. at syempre, nagkasama-sama nanaman kaming lahat.. kay saya na ng buhay! haha.
.. at oo nga pala, salamat kay everdearest kan sa kaloob nyang panghimagas na 1 kitkat, 2 crunch & 2 hershey's nuggets. napakayaman mo talaga kanlouise friend. ehehe. thanks so much!