Friday, January 13, 2006
you're my shooting star.
haaay. ang sinumpang panahon.
january 16, 2006. monday. 0900 hrs. sa ngayon, ayokong isiping lumilipas ang panahon. i don't wanna let time move even a single bit. i know some things will be put to an end, but i had hoped something as never bitter as this.
sa totoo lang, di ako sanay na magpapaalam ako sa isang kaibigan. lalo pa yung naging malapit sakin. ayoko.. ayokong isiping haharap ako bukas ng wala sya.
pero ganun talaga ang tadhana, sadyang mapaglaro. you just have to go on with life, as if nothing had happened.
sana hindi na sumapit ang january 16. ayokong umalis si kristian. pero wala naman akong magagawa don db?
******
PHYSICS LONG TEST. talagang tumama pa sa friday the 13th eh. at as usual, nakakabaliw at madugo ang questions ni papi. sana lang mairaos ko ang physics. haay. nakakainis, kelangan mo pa kasing humila-hila, magstretch at magcut ng mga circuit chuvaling. bakit ba ang mga teachers, nagtuturo ng madali, pagdating sa test, nagbibigay ng mahirap? abnormal talaga. para namang magagamit ko sa pangaraw-araw yon eh no? badtrip talaga. at eto pa, minsan namamali ako ng sulat sa solutions. kaya pag namali ako, napapasigaw ako ng tanga, boba, walang pinag-aralan.. yung mga ganun. at rinig pa ng sambayanang avo. wowness. hindi na nahiya.
SIPA SIPAAAA. ayan. syempre kaming mga early sa mapeh, nakiusap na kay ma'am na mauna na magpractical test.. para walang masyadong maraming audience.. ayun.. pero nakakatense pa rin.. kaya nakalima lang ako.. hehe, atleast pasado talaga. ang gagaling ng avo sa sipa! grabe. naelibs ako to the highest level. pwede na kaming gumawa ng all-new philippines sipa varsity team. sosyal!
... at isa na lang ang aasikasuhin nung kinahapunang yon.. ang pag-alis ni kristian.
*****
FAREWELL, KRISTIAN. nagsimula ang aming open forum kuno (tinawag lang siyang open forum para di mahalata ni kristian na ihhotseat namin sya.. strategy!) sa konting pagkekerengkeng. syempre una sa lahat ng lovelife. wowness. dali-dali kami ni ace sa dar2 para hatakin sa lea pearl.. na sa panahong yon ay nagsspeech choir.. so parang, kelangan naming magmadali kase iniistorbo namin sya.. kaya ayun.. pinilit namin si kristian na kausapin sya. e eto namang si torpe, ni makalapit di magawa.. kelangan pa talaga naming ipagtulakan ang loko.. nakakahiya nga kay lp eh.. pero sa huli, umiral na din ang pagkalalake.. nakausap nya si lp.. tas ayun. di nga namin alam pinag-usapan nila eh.
para kay lp: di mo lang alam kung gaano kahalaga saming pumayag kang hilahin ka namin sa speech choir nyo.. kahit papano napasaya namin si kristian.. kaya lp, magpaulit-ulit man ako, wag ka sanang makulitan.. salamat.. at hindi ka umayaw. utang na loob namin to sayo. labyoo!
at eto na ang sentihan parrrrt. bawat avo3, may sasabihin kay kristian.. in alphabetical order yan ha.. boys muna tas girls.. syempre, parang mga huling habilin chuvaling.. grabe parang matetepok na eh no? ayun.. syempre lahat naman kami nagsabi ng mabuti kay kristian.. tapos, bawat makabagdamdaming speech, iyak kami ng iyak.. ako, si meme tsaka si cherry.. syempre, crying ladies talaga kami sa beegees.. pinagtatawanan pa nga kami ni kristian eh..
ayun, tas ang pinakahuli.. ang message ni kc.. syempre alam na natin ang mapait na nakaraan.. sinabi ni kc lahat ng mga binigay ni kristian sa kanya.. as in, parang maiiyak ka ng todo pag napakinggan mong napakasarap magmahal netong si kristian.. pero ayus na yung kanila.. tapos, umiyak din si kristian! waaah.. nagsorry sya kay kc.. tas yung linya talaga nya.. unforgettable.. kc.. hindi kita makakalimutan.. tagos sa puso! lahat na kami talaga.. nag-iiyakan nun.. kasi, pagkatapos din ng ilang quarters na di sila nag-uusap, finally, natapos na ang lahat.. at nagtapos sila ng maayos tsaka walang hinanakit..
eto ang pinakanagpaiyak sakin. yung message ni kristian samin.. grabe.. hindi mo talaga aakalaing si kristian ferjas cailer gampong yung nagsalita.. avo.. mahal ko kayo.. sorry kung makulit man ako.. siguro, kung wala kayo, hindi ako magiging ganito, kung ano ako ngayon.. waaaaah kristiaaaaaan! ayoko ng pinapaiyak ako talaga! mahal ka rin namin! kahit pumapasaway ka sa practice.. kahit minsan tingin namin wala kang pakialam.. mahal ka namin kung sino ka..
at ang huli, gift giving.. grabe talaga yung pinaggastusan namin sya.. una, regalo ng flexis.. mayayaman kase tong mga to.. nagbigay sila ng bag galing sa bench.. sosyalan! muntik na nga namin inenerzz ni anna kanina eh.. hehe.. tas yung nasa loob, letters nila kay ian.. tas yung 3 books ni joshua harris. i kissed dating goodbye, bigay ng beegees, boy meets girl, bigay ng avo boys, tsaka not even a hint, galing kay papi. aww. tas yung leftovers + others, nagbigay ng paboritong libro ni kristian, este ni hudas. tas ang amynk.. nagbigay naman ng stainless longganisa.. grabe yung puro bob ong eh.. tas syempre binigay namin yung mga letters ng bawat beegee sa kanya.. tas meron pa yung munting kalokohan namin nila cherry.. yung kristian, you're my frog prince. wahaha! wowness na ito.
*****
sa totoo lang, ngayon ko lang talaga todong nadamang aalis na si kristian. dati, joke joke lang talaga kung pag-usapan namin, pero ngayon, sadyang naluluha na lang kami kasi aalis na sya.. pero di bale.. hindi naman ibig sabihing malayo sya e wala sya sa aming mga puso't isipan.. basta naaalala namin sya, hindi namin sya todong mamimiss.. kasama pa rin namin sya kahit papano.. atsaka promise naman nya samin.. pagdating nya sa calif, una nyang gagawin eh pipiliting magkeep in touch samin..
*****
kaya kristian.. salamat sa lahat ng ginawa mo para samin. pasensya na sa mga pagkukulang namin ha? nasabi na rin naman namin sayo yung mga gusto naming ihabilin bago ka tuluyang tsumupi.. wag ng magninira ng puso't damdamin ng kababaihan ha? alagaan mo rin puso mo.. laging andito kami para sayo.. basta naka-international roaming yang cellphone mo.
have a safe trip kristian. we'll be praying for you. magpataba ka duuuun ha? ehehe. Godspeed. labyoo, and take lots of care. *smile*
Melai walked on the sunny side.
10:34:00 PM