http://www.one.org
I'm all fried up over you.

Wednesday, January 04, 2006
may tatlong bear sa loob ng isang bahay.

balik schoooooool na!

impyernes, namiss ko ang aking beegee and lsat friends. at syempre, nagkasama-sama nanaman kaming lahat.. kay saya na ng buhay! haha.

.. at oo nga pala, salamat kay everdearest kan sa kaloob nyang panghimagas na 1 kitkat, 2 crunch & 2 hershey's nuggets. napakayaman mo talaga kanlouise friend. ehehe. thanks so much!

***

may bagong pakulo ang beegees ngayon.. POPs. as in philosophies on papas. syempre, bawat isa samin may kanya-kanyang prinsipyo tunkol sa mga lalake.. pero joke-joke lang tong mga to. baka naman maseryoso eeh.

ace.pop: ang papa.. hindi sineseryoso, pineperahan lang.
meme.pop: ang papa.. hindi hinahanap, dahil darating din yan.
melai.pop: ang papa.. hindi sineseryoso, may girlfriend na kasi.
cherry.pop: ang papa.. kahit bata, pwede pa rin!

ayan. yan ang bunga ng aming pagtatawanan sa loob ng silid-aralan. napakaproductive! kalokaaa.

***

haay nako. basta simula ngayon, sinusumpa ko, di na talaga ako magkakacrush ng may girlfriend. ayoko ayokooo! magmumukha lang akong manunulot. tsaka good girl yata to. nyahaha.

ay anyways. cluster prayer meeting pala sa friday, jan6.. 7pm sa sta. rita church, philam homes qc. macy umattend ka naaaa!

isa pa ulit. cluster 3 and 4, may practice po tayo after classes sa jan6 din.. hanggang 6pm. okies? ciao!



Melai walked on the sunny side.
8:35:00 PM